Dedma sa banta ng China PBBM NANINDIGAN SA DAGDAG EDCA SITES

(CHRISTIAN DALE)

SA kabila ng banta ng China, kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Matatandaang nagbabala ang China na ang pagpayag sa mas maraming sites sa ilalim ng PH-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay makapagdudulot ng malubhang pinsala sa Pilipinas.

“There are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north. There are some around Palawan. There are some further south,” ayon kay Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Philippine Army.

Hindi naman binanggit ng Pangulo ang mga bagong lokasyon subalit matatandaang noong 2014 pinayagan na ng EDCA ang Estados Unidos na pansamantalang mag-station ng tropa nito sa limang sites gaya ng Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

Winika naman ng Pangulo na malapit nang ianunsyo ng Pilipinas at Estados Unidos ang apat na bagong sites.

Binanggit din ng Chief Executive na ang karagdagang lokasyon para sa EDCA ay maaaring magsilbing depensa sa “eastern coast.”

“That’s also something we have to look out for,” ayon sa Punong Ehekutibo sabay sabing kailangan din na protektahan ng bansa ang katubigan ng eastern seaboard ng bansa partikular na an Benham Rise.

Aniya pa, ang may pagtutol na lokal na pamahalaan ay hayagan nang nagpahayag ng suporta sa posibilidad na magsilbing host sa US troops.

“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province,” aniya pa rin.

103

Related posts

Leave a Comment