DILG nagpasaklolo sa LGUs SIM CARD REGISTRATION INFO DRIVE PALALAKASIN

NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na tulungan ang national government sa information campaign nito kaugnay sa implementasyon ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, naging epektibo noong Disyembre 27.

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act na naglalayong obligahin ang lahat ng SIM card users sa buong bansa na iregister o iparehistro ang kanilang SIM sa public telecommunications entities (PTEs).

Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na kailangang madala ang intensive information drive sa grassroots level at ang LGUs aniya ay kailangan na paigtingin ang pagtuturo sa publiko ukol sa requirements at kahalagahan ng batas.

“As we seek to ensure public safety even in the online space, I encourage LGUs to exert all efforts to promote responsible use of SIM cards, educate their stakeholders on the benefits of mandatory SIM card registration and guide them through the whole registration process,” ani Abalos.

Sinabi pa ni Abalos na ang SIM Registration Act ay makatutulong sa Philippine National Police at iba pang law enforcement authorities na masawata ang tumataas na electronic communication-aided criminal activities sa bansa gaya ng mobile phishing, spam text messages, online scams, bank frauds at identity theft.

Wika pa ni Abalos, ang implementasyon ng batas ay hindi lamang para panagutin ang lahat ng panig maging ito man ay mobile users, telcos, gobyerno at awtoridad kundi tulungan ang PNP na kaagad na mahanap ang mga offenders o nagkasala sa krimen na nagawa ng isang “anonymity” sa pamamagitan ng paggamit ng electronic devices.

Sa kabilang dako, humingi naman ng tulong ang DILG sa local chief executives (LCEs) at barangay captains sa remote areas para sa pagpoproseso sa kinakailangan na dokumento at iba pang requirements para magtatag ng registration centers.

“We know not everyone has access to the internet and other means of communication so let us reach out to them and inform them of this new law,” ayon sa Kalihim.

Hinikayat naman ni Abalos ang mga magulang at guardians na maging responsable at i-register ang SIM na ginagamit ng kanilang mga menor de edad o batang anak o kamag-anak sa ilalim ng kanilang pangalan para protektahan sila mula sa ill-intentioned individuals.

Kailangan lamang na makapagpakita ang mga ito ng ID at consent form. (CHRISTIAN DALE)

26

Related posts

Leave a Comment