Gawa ng mga ‘anay’ sa Palasyo PBBM SINUSUBUAN NG MALING INFO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MAY mga lumalason sa isip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaya nababaligtad ang ilang kwento at napapasama ang ilang tao.

Ito ang duda ng kampo ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves Jr.

Nagtataka ang kampo ng mambabatas dahil imbes tumugon ang Pangulo sa kanilang panawagan laban sa panggigipit ng ilang personalidad sa gobyerno ay tila napasama pa ito.

Sa isang ambush interview kahapon sa Pangulo, sinabi nito na batay sa monitoring ng intelligence unit ng pamahalaan ay walang threat o banta sa buhay ng kongresista.

Marami rin ang nagulat sa pahayag ni PBBM na ang nangyayaring panggigipit kay Teves ay walang kinalaman sa e-sabong kundi sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa mga nakalipas na araw, marami na ang nagduda at sinabi na ang pamamaslang kay Gov. Degamo at pagdawit sa pangalan ni Teves ay tila scripted.

Dahil dito, bukod sa netizens ay nagbigay na rin ng opinyon ang ilang beteranong kolumnista at media na tila may kakaiba sa kasong ito.

Enero palang ay nagsalita na si Teves na di umano’y nakasagap siya ng intel na nais silang ipaligpit ng kapatid niya na si ex-Gov. Henry Teves.

Sa halip, habang nagpapagaling si Teves sa medical procedure ay biglang napatay si Degamo at naging mabilis ang pagbibintang sa una.

Marami rin ang nagtataka na ito inaapura ng Kongreso na umuwi at mag-report nang face-to-face si Teves sa kabila ng banta sa seguridad at buhay nito.

172

Related posts

Leave a Comment