TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña.
“The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon.
Ang alalahanin ay naungkat matapos maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tagtuyot.
“Naka-ready naman kami, but of course, the long term, ang talagang solusyon dyan is ‘yung flood control,” ayon sa Pangulo.
“Aayusin natin ‘yung flood control, gagawin nating irrigation, mag-iipon tayo ng tubig para pagka naabutan na naman tayo ng tagtuyot, kagaya ngayon ay mayroon tayong pagkukuhanan ng tubig. There’s no need to do anything special,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sa paghahanda sa La Niña na sa pagtataya ay tatama sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Samantala, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng 5,000 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Eastern Visayas, pagtupad sa kanyang pangako na makapagbigay ng lupang sakahan sa mga magsasaka na walang lupain. (CHRISTIAN DALE)
238