‘GREEN LANE’ SA FOREIGN INVESTORS GIIT NI PBBM

NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa pagpasok ng investments sa Pilipinas.

Ito na kasi ang tamang panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito.

“Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach in addressing the ‘pain points’ – iyong ano ba iyong challenges ng mga namumuhunan sa Pilipinas,” ayon kay Vichael Angelo Roaring, kasalukuyang namumuno sa Foreign Trade Service Corps ng departamento.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na lalagdaan niya ang isang executive order para isulong ang “ease of doing business” sa Pilipinas upang makapag-engganyo ng mas marami pang foreign direct investment.

Kabilang na rito ang pagtatayo ng green lane para sa foreign investors, na para sa Malakanyang ay naglalayong pabilisin ang proseso at rekisito sa pag-isyu ng permits and licenses.

Magugunitang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, sa ilalim ng EO ay aatasan ang concerned offices na magtayo ng green lane upang mapabilis at mapadali ang proseso at requirements sa pagpapalabas ng mga permit at lisensya kabilang ang mga resolusyon sa mga isyu ukol sa strategic investments.

Para naman kay Board of Investments Director Ernesto Delos Angeles, dapat itong samahan ng batas, umaasa na makapagre-regulate rin ito ng “consultants” na makatutulong sa entry ng mga negosyo sa bansa.

Ang mga consultants na ito, ayon kay Delos Angeles ay hindi accredited ng gobyerno at ilan sa mga ito ay mayroong hawak na permit o lisensya na pabor sa iba.

“Dapat siguro panahon na magkaroon ng enabling law na may nagri-regulate ng mga consultancy pagpasok sa pagnenegosyo; kasi mayroon tayo sa importation, mayroon tayo sa employment pero sa pagninegosyo—kaya minsan ang ranking natin bumababa,” ayon kay Delos Angeles.

Mahalaga rin aniya ang local government units (LGUs) sa paghahatid ng bagong investment opportunities dahil ilan sa mga hamon ay nagsimula mismo sa mga ito.

Layon ng Chief Executive na buhayin ang manufacturing sector na nakatuon sa “green at innovative services,” lalo na sa renewable energy, ayon naman sa Board of Investments.

Nais naman ng Pilipinas na i-promote ang mineral processing at makahikayat ng battery manufacturers sa electric vehicle industry. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment