Kahit bumuhos ang ulan UNITEAM ‘DI INIWAN NG MINDANAOANS

WALANG dudang mahal na mahal ng mga Mindanaoan si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. dahil “rain or shine” ay hindi sila nagpatinag at matiyagang naghintay sa kalsada para makita siya at sa pagdarausan ng BBM-Sara UniTeam rally.

Hindi naging hadlang ang lakas ng ulan para sa mga tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam, at umaga pa lang ay inaabangan na nila ang pagdating ng kanilang future president.

Daan-daang libo ang nakibahagi sa BBM-Sara UniTeam rally, at kahit hindi nagkaroon ng caravan ay may mga tao pa ring nag-abang sa mga kalsada dala ang tarpaulin at nakasuot ng pulang damit, may malalaking speaker din ang nakahanda sa mga daanan na tugtog ang “Bagong Lipunan”.

Sabi pa ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa kanyang ambush interview ng SMNI ay kakaiba ang pagtanggap ng mga Mindanaoan dahil hindi naging sagabal ang lakas ng ulan at hindi umalis ang mga tao na mainit silang tinanggap ni Inday Sara at ibang miyembro ng UniTeam.

“Napakaganda ng response ng tao, kahit umuulan ay hindi umaalis at tuloy-tuloy ang pagsalubong sa aming UniTeam, kay Inday Sara at sa akin, napakaingay masyado, nakakatuwa masyado,” sabi ng pambato ng PFP.

Dagdag pa niya na malapit ang Mindanaoan sa kanya dahil may mga kamag-anak siyang tumira sa Davao lalo na sa lalawigan ng Sultan Kudarat kaya umano kapag nagpupunta siya sa lugar ay parang umuuwi siya ng Ilocos Norte.

“Malapit sa akin ang Mindanaoan, alam niyo lolo ko tumira sa Davao, kaya marami kaming kamag-anak dito, maraming Ilocano dito kaya naman kapag pumupunta ako dito lalo na sa Sultan Kudarat parang umuwi lang ako ng Ilocos,” dagdag pa ni Marcos.

Habang pinaalalahanan din ng dating senador ang kanyang mga supporters na hindi pa tapos ang kanyang ginagawa, marami pang kailangang gawin at nangakong hindi pababayaan ang taong bayan kung sakaling maging pangulo ng bansa.

“Hindi pa tapos, marami pa tayong gagawin, huwag tayong titigil hanggat tayo ay magtagumpay at magawa ang pangarap nating mapagkaisa ang Pilipinas,” ayon sa kanya.

“Kailangan huwag nating pabayaan ang taong bayan kung anuman ang ating hangarin para sa tao, kung tayo ay mabigyan ng pagkakataon ay kailangan magbunga ang lahat ng ito.” dagdag pa niya.

Hindi man naging maganda ang panahon, matagumpay naman ang pagbisita ni Marcos sa iba’t ibang lalawigan ng Mindanao, sa Gensan nagkaroon siya ng courtesy call kay Mayor Ronnel Rivera at nakipagpulong sa grupo ng mga doktor na “uniteaMD”.

Sa Polomok at Koronadal, South Cotabato dinagsa rin ang UniTeam kasama ni Marcos si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Gov. Jun Tamayo.

Sa North Cotabato naman ay nagkaroon din ng courtesy call si Marcos kay Gov. Nancy Catamco at nagtalumpati rin sa UniTeam rally kasama ang mag-asawang Inday Sara Duterte at Mans Carpio na dinaluhan ng libo-libong UniTeam supporters.

Sa lalawigan ni Gov. Bai Mariam Mangudadatu sa Maguindanao hindi rin nagpatinag ang mga supporters sa lakas ng ulan.

Huling pinuntahan ni Marcos ang Sultan Kudarat kasama si Gov. Suharto Mangudadatu, mula sa pagpapasinaya ng bagong city hall ng Lambayong hanggang sa provincial capitol walang patid ang suportang ipinakita ng mga tao, lumusong sa putikan, nagpabasa sa ulan para kay Marcos.

Halos magkakatulad naman ng sinabi ng mga opisyal sa mga lugar na pinuntahan ng BBM-Sara UniTeam, anila sigurado na ang panalo ng tambalang BBM-Sara at sila na ang susunod na mga lider ng Pilipinas.

Pambato ng mga Ilokano
sa Sultan Kudarat

Mainit din ang pagsalubong ng mga residente ng bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat kay Marcos, Jr. sa ikatlong araw ng kanyang Mindanao campaign sortie, kasama ang UniTeam slate nitong Lunes ng hapon.

Ang Lambayong ay may 79,000 residente kung saan 80 porsyento ng populasyon ay marunong mag-Ilokano.

Mayorya sa kanila ang naglabasan ng kanilang bahay, pumila sa kalsada upang abangan ang pagdating ng kanilang Apo Bongbong.

Dating may pangalan na Don Mariano Marcos ang bayan ng Lambayong bilang pagkilala sa kabayanihan ng lolo ni Marcos.

Ipinagmamalaki ng Lambayongeños ang pagiging Ilokano sa Mindanao dahil hanggang ngayon ang mayorya ng salita rito ay Ilokano.

Bukod dito, taglay ng mga Lambayongeños ang angking galing ng mga Ilokano, partikular na sa larangan ng pagtatanim o agrikultura sa malaking bahagi ng Sultan Kudarat na itinuturing na rice granary ng buong probinsiya.

Kasama ni Marcos sa kanyang pagbisita si veteran broadcast journalist Erwin Tulfo at UniTeam senatorial bet Jinggoy Estrada.

Mainit ding sinalubong si Marcos ng mga local government officials sa pangunguna nina Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu, dating Sultan Kudarat Governor Sultan Pax Mangudadatu, Cong. Princess Rihan Abdurajak.

Kasama rin nila si incoming Sultan Kudarat Province Governor Datu Pax Mangudadatu, Lambayong Mayor Ferdinand Agduma, at Lambayong Vice Mayor Francis Eric Recinto at marami pang opisyales ng lokal na pamahalaan.

“101% ang suporta namin sa inyo. Ang susunod na presidente ng Republika ng Pilipinas,” ani Lambayong Mayor Ferdinand “Andy” Agduma.

Kaagad pinasalamatan ni Marcos ang mga Lambayongeños dahil sa pagmamahal na ipinakita ng mga ito sa kanya at sa buong UniTeam.

Si Marcos din ang nanguna sa paghikayat sa mga kababayan na kumanta ng happy birthday song para kay President Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-77-taong kaarawan, nitong Lunes, March 28, 2022.

“Napakainit ng ibinigay niyong suporta. Iparinig niyo sa Pilipinas na sa Lambayong buo ang suporta sa UniTeam. Kritikal ang ating mensahe ng pagkakaisa. Dito sa Lambayong hindi na kailangang magpaliwanag dahil nagkaisa na. Maraming maraming salamat po,” ani Marcos.

184

Related posts

Leave a Comment