KAMARA TULOY SA CHA-CHA

HINDI natinag ang Kamara sa posisyong inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng isinusulong na amyenda sa umiiral na Saligang Batas.

Patunay nito ang pagpapatuloy ng public consultation na ikinasa ng House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Iloilo.

“We respect the opinion of President Ferdinand Marcos Jr. on constitutional amendment measures. We will of course consider it,” ani Rodriguez bilang reaksyon sa pahayag ng Pangulo kontra cha-cha.

“But as an independent branch of government, the House of Representatives and Congress will proceed with its public dialogues on this issue,” dagdag pa ng mambabatas.

Paliwanag ng kongresista, kailangang amyendahan ang Saligang Batas para alisin ang mga economic provision na sagabal umano sa pagpasok ng mga dayuhang kapitalistang dahilan ng pagbisita ni Marcos sa iba’t ibang bansa.

“In our hearings at the House of Representatives last week and in Cagayan de Oro City last Friday, the overwhelming recommendation was to rewrite the Constitution’s economic provisions to allow for more foreign investments,” ani Rodriguez.

Sa isang panayam, hayagang sinabi ni Marcos Jr. na wala sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang tinutulak na Charter Change sa Kamara.

“It’s not a priority for me because there are many things that need to be done… There are so many other things that we need to do first,” pahayag ni Marcos matapos ang pagbisita sa bansang Japan.

“We can get what we want, but within the present… the way the Constitution is written,” diin pa ng Pangulo.

Kabilang sa isinusulong na amyendahan ng mga kongresistang kaalyado ng administrasyon ang tinatawag nilang “restrictive provisions” – partikular ang pagbabawal sa mga banyagang magmay-ari ng mga malalaking negosyo sa bansa.

Sa ilalim ng umiiral na saligang batas, mahigpit na tinututulan ang majority shares ng mga dayuhang kumpanya sa mga negosyong nakabase sa Pilipinas.

“I think the attempt is, the reason that it’s being talked about is because of the economic provisions. We want to get investments. Sometimes those get in the way. You all know the issues there — ownership, appropriation, ownership of a corporation, ownership of land”

“But for me, all of these things we are talking about can be achieved without replacing the Constitution,” dagdag pa ni Marcos. (BERNARD TAGUINOD)

170

Related posts

Leave a Comment