Katulad ni Duterte – ACT WAGE INCREASE NG PUBLIC TEACHERS TINUTULUGAN NI BBM

(BERNARD TAGUINOD)

WALANG pinagkaiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sinundang si dating pangulong Rodrigo Duterte na mistulang pinaaasa lamang ang mga public school teacher dahil hindi rin niya sinusunod ang pangakong itataas ang sahod ng mga ito.

Isinisisi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kabiguang kumilos ni Marcos Jr. ang pagkakabinbin sa Kongreso ng mga panukalang batas na itaas ang sahod ng mga pampublikong guro.

“Ilang taon na pinaasa at binigo ng nakaraang gobyernong Duterte ang ating mga guro sa pangako nitong salary increase. Pres. Marcos made the same promise in his electoral campaign in March 2022,” ani Vladimer Quetua, chairperson ng ACT.

Dahil dito, umaabot sa 58 wage hike bills ang inihain sa Kamara, 21 ay nagsusulong na itaas ang sahod ng public school teachers habang sa Senate ay may pitong panukala mula nang magsimula ang Marcos Jr. administration.

Gayunpaman, hindi ito binibigyan ng prayoridad ng administrasyong Marcos Jr. kaya nangangamba ang public school teachers na mapako rin ang ipinangako nito sa kanila noong nakaraang eleksyon.

“Congress leadership and its responsible committees are ghosting us on this issue. Panawagan ng mga manggagawa at kawani sa pamunuan ng Kongreso: Igalaw nýo ang baso! Commence the deliberations on increasing wages and grant workers and employees the much-needed economic relief amid the crisis!” ani Quetua.

Naniniwala ang nasabing grupo na kung may basbas ni Marcos ay madaling maipasa ang nasabing panukala lalo na kapag sinertipikahan ito bilang urgent bill pero hindi ginagawa.

“Hindi kami papayag na mapako na lamang sa P27,000 kada buwan ang sweldo ng mga guro habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga batayang bilihin. On May 1, our teachers in various regions are poised to march in rallies alongside our workers to demand for substantial pay hike,” ayon pa kay Quetua.

103

Related posts

Leave a Comment