Kaya minamadali ang Maharlika – Solon ILL-GOTTEN WEALTH BABAWIIN NI MARCOS JR.

MINAMADALI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maipasa ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil nais nitong mabawi at makontrol ang mga yaman na kinumpiska sa kanyang pamilya.

Ito ang isiniwalat ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, kung pagbabasehan umano ang Article III Sec. 6 ng Senate Bill 2020 na nagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Finance – Privatization and Management Office (DOF-PMO), maaaring alamin kung anong mga ari-arian, real o personal ang isasailalim sa MIF.

“This office under the DOF also has the authority to identify the disposition of the assets and properties recovered by the PCGG (Presidential Commission on Good Government) from the ill-gotten wealth of the Marcos family,” ani Brosas.

Ito marahil aniya ang dahilan kaya kahit walang pera ang gobyerno ay ipinipilit ni Marcos na maipasa ang MIF dahil nais nito na makontrol ang mga yaman na nabawi ng PCGG.

Inaasahan na ipapasa ng Senado ang nasabing panukala matapos itong sertipikahan ni Marcos bilang urgent bill bago magsara ang 1st Regular Session ng 19th Congress ngayong linggo.

“President Marcos Jr. is keen on urgently passing Maharlika Investment fund not only to centralize the government’s funds but also to regain control over their family’s ill-gotten wealth recovered by the past administrations,” ani Brosas.

“This completely erases all our efforts for the past few decades to recover the Filipino people’s funds stolen by the late dictator Marcos Sr. Magiging instrumento ang Maharlika Investment Fund para baguhin ang kasaysayan ng paglaban ng mamamayan sa diktadurya,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, dapat aniyang tutulan ng mamamayang Pilipino ang nasabing panukala dahil wala silang pakinabang dito bukod sa magagamit ito ng mga Marcos para mabawi ang mga nabawing nakaw na yaman ay isusugal pa ng Pangulo ang kanilang inipong pensyon sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-IBIG funds. (BERNARD TAGUINOD)

235

Related posts

Leave a Comment