MARCOS TAMAD NA PANGULO – TULFO

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SAMPUNG ulit na mas tamad ang paglalarawan ng batikang kolumnistang si Ramon Tulfo sa kanyang pinakabagong patutsada kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Kung tamad si President Noynoy Kuyakoy, sampung beses na mas tamad at iresponsable itong si Bobong Marcos,” ani Tulfo sa isinapublikong pagkukumpara sa pagitan ng punong ehekutibo at ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kanyang paglalahad sa Facebook page niyang From Where I sit, binanggit ni Tulfo, na minsang nagsilbing Special Envoy to China sa ilalim ng nagdaang administrasyon, ang pagliban ni Marcos Jr. sa tawag ng saklolo ng mga residente ng Visayas at Mindanao kung saan nanalasa ang bagyong Paeng noong buwan ng Oktubre ng nagdaang taon.

“Habang binabayo ng Typhoon Paeng ang Kamaynilaan at ibang lugar ng bansa, si Bobong Tamad (BBT) ay nasa Ilocos at kumakain sa Dawang’s Restaurant kasama ang kanyang mga kaibigan,” ani Tulfo.

Katunayan aniya, nasermunan pa ang Pangulo ng pamangking gobernador ng Ilocos Norte kung saan di umano nanatili si Marcos Jr. ng dalawang araw kasama ang mga kaibigan at kaalyado.

“Nagalit pa nga sa kanya ang pamangkin niyang si Gov. Matthew Manotoc dahil sa di niya pagpunta sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.”

Kung hindi pa aniya binulahaw ng taumbayan sa social media, di pa umano magpapakita at haharap sa publiko ang Pangulong iniluklok sa pwesto ng hindi bababa sa 31 milyong Pilipino.

“That was at the time he went missing for two days and only came out after people were asking where he was,” dagdag pa niya.

Hindi rin pinalampas ni Tulfo ang pagkakataong pasaringan ang tinawag niyang “pakialamerang” Unang Ginang Liza Araneta Marcos na inihambing pa sa ina ng asawang Pangulo.

“Kung pakialamera si Imelda Marcos noon, sampung beses na mas intrimitida itong kanyang daughter-in-law sa pamamalakad sa gobyerno. Walang naappoint sa administrasyon ni BBT kundi dadaan sa kanyang asawa na si Liza Araneta Marcos.”

“Nabudol na naman ang Pinoy sa pagpili ng lider,” pagtatapos ni Tulfo na sinibak kamakailan bilang komunista ng Philippine Star.

305

Related posts

Leave a Comment