MODERNISASYON NG PCG SUPORTADO NI PBBM

SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Tiniyak ito ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika-121 founding anniversary ng PCG sa Port Area, Manila.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming bagong gampanin ang mga miyembro ng coast guard sa labas ng kanilang balwarte.

“Now, you are in the frontline in the defense of our maritime territory, in defense of our economic zones, in defense of our baselines. Although this may not have been originally part of the mission of the Philippine Coast Guard, you have nonetheless been performing that mission with honor, with skill, with dedication,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos.

“As your leader, I assure you that this administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of service to the nation,” wika pa ng Pangulo.

Pinuri naman ng Chief Executive ang PCG dahil sa kahanga-hangang record nito bilang “oldest and only humanitarian armed service” ng bansa simula noong 1901.

Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang mga tauhan ng PCG sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa karagatan, pagbibigay ng tulong sa mga distressed Filipino, lalo na sa panahon ng natural calamities at sakuna sa karagatan.

“Throughout your century-old narrative, you have never failed to heed the call of your fellow Filipinos, always in their time of need,” ang wika ng Pangulo sabay sabing “This success speaks well of your loyalty, your perseverance, and also your triumphs in carrying out your mandates, as you continuously evolve into a more reliable, relevant agency over the years in the future.”

Ang PCG ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na responsable sa pagganap sa “maritime search and rescue, maritime law enforcement, maritime safety, marine environmental protection at maritime security.”

Samantala, pinuri rin ni Pangulong Marcos ang mga miyembro ng PCG bilang “stewards of the environment” na magpo-promote ng environmental sustainability sa pamamagitan ng tiyakin na ang lahat ng ‘vessels at activities” sa karagatan ay sumusunod sa umiiral na regulations and laws ng bansa.

Kinilala rin niya ang pagsisikap ng PCG na paghusayin pa ang operational efficiency nito sa pamamagitan ng pagmamantine sa lighthouses para masiguro ang kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino at Philippine ships.

Sa nasabi pa ring event, binigyan ni Pangulong Marcos ng award ang 13 outstanding PCG personnel at nakatanggap naman siya ng isang memento mula sa coast guard.

Nagkaroon din ang Pangulo ng tour sa BRP Gabriela Silang, itinuturing na “largest offshore patrol vessel” ng PCG. (CHRISTIAN DALE/JESSE KABEL)

13

Related posts

Leave a Comment