‘Pagkinis’ sa proyekto layon ng pag-veto ni PBBM – Angeles BULACAN ECOZONE BILL DEPEKTIBO

(CHRISTIAN DALE)

“TO cure defects in the measure.”

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Operations Office of the Philippines (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles na dahilan sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang paglikha ng Bulacan Airport City Special Ecozone.

“Presidential veto is fastest way to cure the defects of HB 7575 especially the provision which exempts the Commission on Audit to look into the financial transactions on the special economic zone and freeport,” paglilinaw ni Angeles.

“Had the President not vetoed HB 7575, it would have lapsed into law on July 4 or 30 days after the bill was sent by the legislature to Malacañang,” dagdag na pahayag nito.

Ani Angeles, nabigo ang panukalang batas na sumunod sa umiiral na batas at regulasyon matapos hindi makapagbigay ng audit provisions para sa COA, procedures para sa expropriation ng mga lupain na awarded sa agrarian reform beneficiaries at master plan para sa “specific metes and bounds” ng economic zone.

“Without those necessary amendments indicated in the veto explanation, the law may be vulnerable to constitutional challenge. The delegation of rule-making power on environmental laws which is unique to the special economic zone is of particular concern,” ayon pa kay Angeles.

Bulacan Airport
hindi apektado

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Angeles na hindi apektado ng pag-veto ni Pangulong Marcos Jr. ang pagtatayo ng 2,500-hectare international airport sa Bulakan, Bulacan.

Paliwanag ni Angeles, ang pagtatayo ng New Manila International Airport (NMIA), mas kilala bilang Bulacan International Airport, ay matutuloy dahil pinagkalooban na ng Kongreso ang San Miguel Corporation (SMC) ng prangkisa para sa konstruksyon.

“The construction of the Bulacan international airport and aerocity is not affected by the veto. The presidential veto was meant to include the necessary corrections and include the missing processes that might render HB (House Bill) 7575 entirely unconstitutional,” ayon kay Angeles.

Ani Angeles, suportado ni Pangulong Marcos ang paglikha ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) subalit ang desisyon niyang i-veto ang HB 7575 ay naglalayon na linisin ang panukala mula sa mga depekto.

Sinang-ayunan
sa Kamara

“The President’s concerns are valid, so we have to take heed,” pahayag naman ni Albay Rep. Joey Salceda.

Dahil dito, muli aniyang ihahain ang nasabing panukala upang itama ang mga probisyon na naging dahilan ng pag-veto ni Marcos.

“Explicitly subjecting the ecozone authority to the Commission on Audit, and other governance mechanisms under Republic Act No. 10149 or the GOCC Governance Act, particularly Sections 24, 25, and 26, on audit mechanisms; and to subsequent rules and regulations issued by the Governance Commission for GOCCs,” ani Salceda sa gagawing bagong batas.

Nilinaw rin ng mambabatas na hindi maaapektuhan ang konstruksyon ng Bulacan Airport sa na-veto na panukala.

Rebyuhin at itama

Maging si Bulacan Governor Daniel Fernando ay sinuportahan ang desisyon ni Pangulong Marcos Jr. sa pag-veto sa House Bill 7575.

‪Ayon kay Fernando, ang hakbang ng Pangulo ay para sa ikabubuti at maging siya ay sang-ayon na pag-aralan pang mabuti at maitama ang mga panukala na nilalaman ng House Bill 7575.

“Tama naman at dapat ay rebyuhin ito, tingnan muna at rebisahin at wala naman masama sa intensyon ni Pangulong Marcos at nirerespeto natin ang kanyang pahayag,” ayon kay Fernando.

‪Sabi pa ni Fernando, hindi magiging sagabal sa pagpasok ng foreign investors ang proyekto.

“Wala ako nakikitang dahilan para umatras ang mga investors unang-una, tuloy naman ang airport at marami pang mga lugar sa Bulacan na maaaring pagtayuan ng negosyo,” ani Fernando.

Maging si Senador Joel Villanueva ay nirerespeto ang desisyon ni Marcos Jr. bagamat nanghihinayang umano ito sa potensyal na makalikha ng maraming trabaho ang proyekto.

Pag-aaralan ni Villanueva na muling ihain ang panukala ngayong 19th Congress. (May dagdag na ulat sina BERNARD TAGUINOD/ELOISA SILVERIO)

52

Related posts

Leave a Comment