PBBM BIYAHENG CHINA NA

NAKAALIS na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong China para sa state visit doon.

Sa departure speech ng Pangulo, binigyang diin nito na ipupursige niya ang ilang inisyatibo sa larangan ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura gayundin sa trade and investment.

Prayoridad niya na isulong ang mas malawak na kooperasyon ng Pilipinas at China sa larangan ng agham at teknolohiya at people-to-people exchanges.

Umaasa rin ang Chief Executive na mapag- uusapan nila ni Chinese President Xi Jin Ping ang ilang political-security issues at maayos ang anomang problema bilang magkaibigan.

Gagamitin din ng Pangulo ang pagkakataon sa kanilang pag-uusap ni President Xi na mas mapalakas pa ang relasyon ng Pilipinas at China na magbibigay rin aniya ng mas maraming oportunidad para sa kapayapaan at kaunlaran.

Samantala, bukod sa ilang miyembro ng gabinete ay kasama rin ng Pangulo sa biyahe ang ilang private sector representatives na makatutuwang ng gobyerno para mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa. (CHRISTIAN DALE)

192

Related posts

Leave a Comment