PBBM BIYAHENG SWITZERLAND AT CHINA SA 2023

NAKATAKDANG bumiyahe patungong Switzerland at China si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang buwan ng susunod na taon.

Inimbitahan ang Pangulo sa World Economic Forum (WEF) na gaganapin sa Switzerland sa Enero 2023.

Ang imbitasyon ay ipinarating kay Pangulong Marcos ni WEF founder at executive chairperson Klaus Schwab sa isinagawang breakfast meeting sa Phom Penh, Cambodia, noong Sabado, ayon kay Undersecretary Cheloy Garafil, Officer-in-Charge of the Office of the Press Secretary (OPS).

“World Economic Forum founder and executive chairman Klaus Schwab today invited President Ferdinand R. Marcos Jr. to the WEF in Davos, Switzerland on Jan. 16 to 20, 2023. Schwab made the invitation in a breakfast meeting with President Marcos,” ayon kay Garafil sa isang kalatas.

Pinuri ni Schwab si Pangulong Marcos sa paglakas ng Philippine economy sa kabila ng nananaig na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at global challenges.

Sinabihan nito si Pangulong Marcos na dumalo sa WEF at hinikayat ang mas maraming business leaders na mamuhunan sa bansa.

Samantala, tuloy ang planong pagbisita ni PBBM sa China sa pamamagitan ng State Visit na inaasahan sa darating na Enero 3 hanggang 5 o 6, 2023.

Tinanggap na ng Pangulo ang imbitasyon ni President Xi Jinping at ng People’s Republic of China na bumisita siya sa China sa pamamagitan ng isang State Visit.

Kinumpirma naman ng Chinese government ang iskedyul ng State Visit. (CHRISTIAN DALE)

26

Related posts

Leave a Comment