PBBM ‘di dapat sunod-sunuran kay Duterte PINAS NAMUMURO BILANG ‘ROGUE NATION’

(BERNARD TAGUINOD)

KUNG mananatiling masunurin ang administrasyong Marcos sa mga naiwang polisiya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi malayong makasali na rin ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang pasok sa kategorya ng “rogue nations.”

Partikular na tinuligsa ni dating Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares ang umano’y pagiging masunurin ni Marcos Jr. sa usapin ng membership ng bansa sa International Criminal Court (ICC).

Paniwala ni Colmenares, walang plano si Marcos na bumalik sa ICC na unang nilayasan ni Duterte sa gitna ng kanyang war on drugs kung saan libo-libo ang pumanaw.

“In the interest of justice, return to the ICC. If not, Philippines may be considered a rogue state under IHL (International Human Right Law),” ayon sa dating mambabatas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos hindi mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng extrajudicial killings kabilang si Manny Asuncion matapos absweltuhin ng Department of Justice (DOJ) ang 17 pulis na kinasuhan sa kanyang pagkamatay.

“This is the type of injustice that we want to prevent so we demand that President Marcos Jr. return to the International Criminal Court (ICC),” ani Colmenares.

Kailangan din payagan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa mga heinous crime sa bansa na kinasasangkutan umano ng military at pulis.

“Pres. Marcos should not just follow the example of Pres. Duterte but instead respect human rights and due process. Huwag syang maging sunod-sunuran kay Duterte,” dagdag pa ni Colmenares.

“It would be hypocritical for him to assure these countries that everything is alright in the Philippines when we are actually a rogue state under international human rights law and International humanitarian laws.”

19

Related posts

Leave a Comment