PBBM: KABATAAN IMULAT SA SINING AT KULTURA

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Cultural Center of the Philippines (CCP) at educational institutions, maging ang government at private sector na dalhin at ipakilala ang sining at kultura sa mga kabataan.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-53 anibersaryo ng CCP, sinabi nito na makapagbibigay inspirasyon ito sa mga kabataan bukod pa sa magiging daan upang mas lalong ma-develop ang mga “talented and promising” young artists sa bansa.

“Let us all support our people’s interest in culture and the arts through scholarships and grants and enhancement training. Let us empower as they join the center of world-class Filipino artists in the fields of music, voice, dance, theater, and written and visual arts,” nakasaad sa mensahe ni Pangulong Marcos na binasa ni CCP chairman Jaime Laya.

“I also exhort all of us to bring culture, the arts, and the creative industry down to the loneliest barangay in the country,” dagdag na pahayag nito.

Aniya pa, nakahandang tumulong ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Trade and Industry (DTI) “to develop and promote the creative industry through innovation and financial support.”

Sa kabilang dako, nangako rin ang Punong Ehekutibo na susuportahan ang sining gaya ng ginawa ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ay isang pangunahing institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)

Related posts

Leave a Comment