PBBM: PILIPINAS HANDA SA MASAMANG EPEKTO NG RUSSIA-UKRAINE WAR

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

HANDA ang Pilipinas na pangasiwaan ang panganib na dulot ng Russia-Ukraine conflict at ang matinding epekto ng natural calamities.

Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).

Gayundin, sinabi ng Pangulo na ang mga ito ang dahilan kung bakit nagtuloy-tuloy ang inflationary pressures sa pagkain, transportasyon at enerhiya.

Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na habang ang Pangulo ay nagsasagawa ng kanyang interbensyon sa Second ASEAN Global Dialogue, binigyang diin ng Pangulo na magagawa lamang ang risk management sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Program at ang nalalapit na Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, na naglalaman ng “targets at strategic actions” ng gobyerno sa susunod na anim na taon.

“I am quite optimistic that we have started along the path to recovering from the COVID-19 pandemic and the attendant problems in our economy,” wika ng Pangulo.

Bukod dito, sinabi pa ng Pangulo na nagpakita ang GDP ng rebound growth rate na 5.7-percent noong 2021 at 7.8-percent average growth rate para sa first half ng 2022.

“These numbers are welcome indicators. They show that our recovery is proving to be robust and that we are returning to our original growth trajectory prior to the crisis,” pahayag pa nito.

Gayunman, sinabi rin ni Pangulong Marcos na walang single country ang makakamit ang economic progress nang nag-iisa.

“We, as ASEAN, must promote a people-oriented and people-centered recovery and development pathway beyond the COVID-19 pandemic,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

ASEAN ‘Rockstar’

Samantala, pinuri ni House Speaker Martin Romualdez si Pangulong Marcos Jr. sa malinaw na paglalahad sa posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang isyung kinakaharap ng ASEAN Region.

Niyakap at mistulang rockstar din aniya ang turing ng ASEAN at iba pang world leaders sa Pangulo.

“It makes me feel proud to see our President being warmly received by his fellow leaders in the region. He has been welcomed and embraced. Other leaders in Asia are looking forward to meeting him and talking business with him. Dare I say, the President has been like a rockstar here,” ani Romualdez na isa sa mga lider ng bansa na kasama ni Marcos sa ASEAN summit.

Sinabi ni Romualdez na kaliwa’t kanan ang natanggap na imbitasyon ni Marcos hindi lamang sa world leaders kundi sa mga pagtitipon at forum sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Kabilang na ang imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit sa China sa Enero 2023.

“Another tantalizing January 2023 affair that Marcos was invited to was the World Economic Forum (WEF) in Davos, Switzerland. The WEF is an independent international organization committed to improving the state of the world by engaging business, political, academic and other leaders of society to shape global, regional and industry agendas,” ayon sa lider ng Kamara.

“Leaders from around the world are drawn to the Chief Executive and this bodes well for the Philippines, for practical reasons,” dagdag pa ng mambabatas lalo na’t naitaas aniya ni Marcos sa loob lamang ng tatlong buwan ang gross domestic product (GDP) sa 7.6%.

Hindi aniya rito matatapos ang pagsisikap ni Marcos dahil inaasahan na lalo itong magpupursige para palaguin ang ekonomiya ng bansa upang makaahon sa kahirapan ang mga Pilipino.

50

Related posts

Leave a Comment