PBBM TODO-DEPENSA KAY CENTINO

TODO-DEPENSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatalaga kay General Andres Centino bilang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang katwiran ng Pangulo, kailangan “i-rationalize” ang seniority sa military.

“We are rationalizing seniority. Andy Centino has four stars and Bob Bacarro had three stars,” ayon sa Pangulo na kasalukuyang nasa Switzerland para dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos.

“So we need to adjust that so as not to cause confusion below,” dagdag na wika nito.

Pinalitan ni Centino ang unang naitalagang si Lieutenant General Bartolome Bacarro.

Naging AFP chief of staff na si Centino mula Nobyembre 12, 2021 hanggang Agosto 8, 2022.

Samantala, nang tanungin naman ukol sa pagbibitiw ni Prof. Clarita Carlos bilang National Security Adviser, sinabi ng Punong Ehekutibo na tila napansin ni Carlos na ang kanyang posisyon ay “a little bit political.”

“Si Secretary Carlos, I think she found that the position to be a little bit political. Because hindi talaga siya sanay sa ganun at she’s a retired academic,” ayon sa Pangulo.

Si Carlos ay pinalitan ni dating DILG Secretary Eduardo Año. (CHRISTIAN DALE)

26

Related posts

Leave a Comment