PINAS AT JAPAN PABOR SA JOINT COOPERATION FRAMEWORK

KAPWA sinang-ayunan ng Pilipinas at Japan ang joint cooperation framework sa agrikultura sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan na pinaniniwalaang makatutugon sa iba’t ibang agricultural issues sa bansa gaya ng “logistics at food value chain.”

Sa media forum sa Quezon City, noong Sabado, sinabi ni Agriculture Undersecretary Zam Ampatuan na dapat malinaw na ipaliwanag ang joint cooperation framework para madetermina ang mga lugar na dapat paghusayin sa agricultural sector ng bansa.

“We needed intervention in the logistics. Let’s say for instance the issue of these spices that suddenly the prices got up – because we lack logistics, we lack cold storages but more than that the more important thing is the enterprise system for which this facility should be managed,” ayon kay Ampatuan.

“‘Yun po kasi iyung kulang – ‘yung platform na sustainable kasi mahirap po dito sa atin, nangyari na ito noong mga nauna – iyung intervention ng gobyerno sa agriculture ay hindi sustainable dahil namimigay tayo nang hindi klaro kung ano’ng pagpapatakbo – it should be run as a business,” ang wika pa rin ni Ampatuan.

Binigyang halimbawa nito na maaaring tumulong ang Japan sa Pilipinas para i-develop ang logistics system nito.

“At this point, the intervention is to put up a system and then the structures for those systems to work,” ayon kay Ampatuan sabay sabing maaaring magtulungan ang Japan at Pilipinas sa pagi-invest sa logistics para hilahin ang produksyon tungo sa merkado.

Tinuran pa ni Ampatuan, ang kakayahan o kasanayan ng food value chain ng bansa ay mahalaga at ang mga hamon na dapat tugunan ng pamahalaan ay kinabibilangan ng “organizing the farmers, putting together small farms into large farms, at consolidating agricultural marketing.” (CHRISTIAN DALE)

183

Related posts

Leave a Comment