President Marcos sa gov’t workers: KAYO AY PARTNER SA PUBLIC SERVICE

(CHRISTIAN DALE)

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng gobyerno na ituloy lang ang kanilang trabaho nang tama.

Sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag ceremony sa Kalayaan Grounds ng Palasyo sa pagsisimula ng kanyang opisyal na pagganap bilang Pangulo, sinabi ni Marcos na tiniyak niya na makadalo upang simulan nang maayos ang trabaho kasama ang mga manggagawa sa Palasyo na tinawag niyang “partners.”

“I know how hard that you work at ginagawa ninyo bilang serbisyo at hindi kayo namimili, kung hindi kayo ay sumusunod kung sinoman ang napili ng ating mga mamamayan na umupo dito sa Palasyong ito,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t sana naman ay ito ay simula ng isang napakagandang working relationship sa atin,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Chief Executive na sa kabila ng mga hamon, siniguro niya sa Palace workers na hindi sila maitsapwera.

“Hindi naman siguro kayo magtataka maraming — may mga bago. Alam niyo naman kani-kanilang style ‘yan. So may magbabago pero huwag ninyong aalalahanin. We are always — we consider you,” aniya pa rin.

“Hindi ko — hindi kayo ang empleyado namin. You are our partners. Hindi namin magagawa iyong gagawin namin kung hindi sa inyo,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ang paalala naman ng Pangulo sa mga empleyado ng Malakanyang na ipagpatuloy lamang ang kanilang trabaho nang tama.

“I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous,” aniya pa rin.

“Gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps behind kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan,” pagpapatuloy nito.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos, ang trabaho ng bawat empleyado ng Malakanyang ay mahalaga.

“When you sit at your desk, and you do something, and you make a decision, or you push something, or you expedite something that affects not only you, not only me, that affects millions of people,” aniya pa rin.

66

Related posts

Leave a Comment