BILANG NG POSITIBO SA HCF SA QC BUMABA NA

BUMABA na sa 51% ang bilang ng mga pasyenteng ginagamot sa lahat ng HOPE Caring Facilities sa Quezon City.

Ayon sa QC Health Department, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa loob ng dalawang linggo, dahil nasa 51.07% na lamang ang nananatili at kasalukuyang ginagamot ng healthcare workers sa HOPE.

Dumarami na rin ang available hospital beds sa mga pagamutan na nasa ilalim ng QC government. Sa kanilang pagtatala, lumalabas na nasa 11,660 na lamang ang active cases sa QC kumpara sa mahigit 12,000 noong nakaraang araw.

Umabot naman sa 91.76% o kabuuang 145,387 ang gumaling na mula sa COVID.

Una nang ini-report ng OCTA Research Group na nasa 0.99 na lamang ang reproduction rate ng virus sa buong National Capital Region (NCR).

Kaugnay nito, inatasan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Health Department (DOH) na bakunahan ang lahat ng mga indibidwal na naninirahan at nagtatrabaho sa ‘closed and long-term care facilities’ sa lungsod.

Ito ay matapos na magsumite ng report sa alkalde ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na may 13 pasilidad ang kanilang binisita at sinuri, kabilang ang orphanages, home care facilities, apostolate centers, at rehabilitation centers.

“We are working closely with the city’s vaccination team so inoculation can be done at the soonest possible time,” ayon sa CESU. (LILY REYES)

144

Related posts

Leave a Comment