Binabantayan ng PNP SABWATANG POLITIKO AT DRUG SYNDICATE

droga

POSIBLENG kumilos na naman ang mga sindikato ng droga at kanilang mga kakutsabang politiko upang makatiyak ng panalo sa gaganaping May 2022 elections.

Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar kaya inalerto ang kanyang mga tauhan.

Aniya, posibleng pondohan ng mga sindikato ng ilegal na droga ang kampanya ng ilang kandidato kapalit ang proteksyon sakaling manalo ang mga ito.

Inihalimbawa ng heneral ang kaso ng alkalde sa Quezon Province na naaresto noong 2001 dahil sa pagbibiyahe ng halos 500 kilo ng shabu gamit ang ambulansya at ang pinakahuling insidente noong Hunyo na isang alkalde sa Maguindanao ang naaresto dahil sa pag-iingat ng mga armas at mahigit P200,000 halaga ng ilegal na droga.

“Illegal drugs operation is a lucrative business, and we are not discounting the possibility that either some erring candidates would use this for fund-raising or the drug syndicates would offer campaign donations in exchange for protection once they are elected. Hindi natin papayagan ito, kaya inatasan ko na ang ating PDEG at Intelligence Group na tingnang mabuti ang ganitong posibilidad,” ani P/Gen. Eleazar.

“Binabalaan ko ang mga kandidato na huwag mamuhunan sa ilegal na droga sa kanilang kandidatura dahil ako mismo ang mag-e-expose sa inyo at mangunguna sa pagsasampa ng disqualification at mga kaukulang kaso kapag nakakalap kami ng sapat na ebidensya laban sa inyo,” dagdag pa niya.

Mula 2016, aabot na sa mahigit P64 bilyong halaga ng shabu ang nasabat habang 307,521 illegal drugs personalities kabilang na ang 3,244 high-value targets, ang naaresto sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. (JESSE KABEL)

208

Related posts

Leave a Comment