BInaka-heightened alert HUMAN TRAFFICKERS ILLEGAL ALIENS, SASALISI

ISINAILALIM sa heightened alert ng Bureau of Immigration (BI) ang personnel ng iba’t ibang pwerto sa papasok at palabas ng bansa upang makatulong sa pagpapadali ng pagsisikap na mapahusay ang border security sa panahon ng holiday season.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nagtalaga siya ng immigration officers sa iba’t ibang international airports at seaports upang magpatupad ng extra vigilance sa screening ng paparating at palabas na mga pasahero.

“This is to ensure that our campaign to thwart the entry of illegal aliens and prevent the departure of trafficking victims is not compromised during this Christmas season,” ani Morente.

Kaugnay nito, muling nagbabala si Morente, sa human smuggling at human trafficking syndicates sa posibleng pananamantala ngayong holiday rush para maiwasang makapambiktima ang mga ito sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Do not even try because our officers at the airports will surely foil any attempts by these syndicates to ply their racket,” ayon sa BI chief.

Tinukoy rin ni Morente ang mga kaso ng foreigners na kamakailan ay nahuli sa airports sa Manila at Cebu na may mga pekeng dokumento at pekeng Philippine visas at fake marriage at birth certificates, para sirain ang travel restrictions na ipinatutupad ngayong may pandemic.

Binanggit pa niya na ang nahuling mga pasaherong hinihinalang mga biktima ng human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ay pawang undocumented contract worker na nagtangkang bumiyahe taglay ang mga pekeng dokumento o nagpanggap na mga turista.

“These tricks will not work as our immigration officers are trained in passengers’ assessment and detecting fraudulent travel documents,” dagdag pa Morente.

Kamakailan, inanunsyo ng BI na mayroong silang mga tauhan na naka-standby na pansamantalang nilang itatalagang karagdagan para sa holiday season.

Hindi naman umaasa ang BI na magkakaroon ng pagdagsa ng bilang ng international travelers dahil sa ipinatutupad na paghihigpit dulot ng pandemic. (JOEL O. AMONGO)

245

Related posts

Leave a Comment