BINATA ARESTADO SA CHILD ABUSE

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 28-anyos na binata dahil sa kasong paglabag sa Section 10 (A) Article V1 ng Republic Act 7610 o child abuse law, sa Sta. Mesa, Manila noong Sabado ng tanghali.

Inirekomenda ng korte na maglagak ng P80,000 halaga ng piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na kinilalang si Raffy Managuelod y Cuntapay ng Camia St., Old Sta. Mesa.

Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete ng District Intelligence Division ng MPD, bandang alas-12:30 ng hapon noong Hulyo 10 nang mamataan si Managuelod sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at Santol St. sa Sta. Mesa.

Dahil sa tip ng impormante, nasukol ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Maria Celestina Cruz Mangrobang ng Regional Trial Court, Branch 38 ng Manila na may petsang Hunyo 23 ng taong kasalukuyan

Ang suspek ay sinampahan ng kasong child abuse dahil sa pagmolestiya umano ng isang menor de edad. (RENE CRISOSTOMO)

 

156

Related posts

Leave a Comment