ITINAAS na ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert Status ang lungsod.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ito ay bilang paghahanda sa paglapit ng Bagyong Nando, at epekto ng habagat.
Bukod dito, pinaghahandaan din ng Manila LGU ang malawakang kilos protesta na inaasahang daragsa sa Luneta sa Linggo para kondenahin at labanan ang talamak na korupsyon sa gobyerno.
Sa ngayon, nakaantabay na ang mga kawani ng Manila DRRMO alinsunod na rin sa utos nina Manila Mayor Isko Moreno at Director Arnel Angeles na agad makaresponde sakaling magkaroon ng emergency sa lungsod.
(JOCELYN DOMENDEN)
