BOC COLLECTION TARGET, SAPUL NG MINDA PORTS

NILAGPASAN ng mga re­venue collection districts ng Bureau of Customs Collection sa Mindanao ang itinakdang target ng kani-kanilang tanggapan para sa buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.
Base sa tala ng BOC, muling nagawang kumo­lekta ng District X na nasa pangangasiwa ni Atty. Elvira Cruz ng higit pa sa kanilang nakatakdang target. Para sa buwan ng Hulyo, nakapagtala ng P3,254,579,366.35 kita ang nasabing BOC District Collection Office.
Ang nasabing halaga ay higit pa sa kanilang target collection na P3,254,150,000.00.
Kinilala naman ni Atty. Cruz ang sikap at katapatan ng mga kawani mula sa Port of Cagayan de Oro, Ozamiz Sub-Port, Iligan Sub-Port at maging yaong mga mula sa MCT Sub-Port, na patuloy pa rin ang pagganap ng kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng pandemya.
Samantala, wagi rin ang BOC Collection District XII, na kumolekta ng hindi bababa sa P3,546,447,873.52 o P335,922,873.52 mas mataas sa target nitong P3,210,525,000 para sa buwan din ng Hulyo.
Lagpas din sa itinakdang target ang nasamsam ng Port of Davao at ng mga sub-ports nito sa Dadiangas, Parang at Mati. Sa datos ng BOC, umabot sa P 3,546,447,873.52 ang pumasok na salapi sa nasabing tanggapan.
143

Related posts

Leave a Comment