THE HAGUE, Netherlands — Kumpiyansa si British-Israeli barrister at International Criminal Court (ICC) lawyer Nicholas Kaufman na mapawawalang-sala sa reklamong crimes against humanity sa Netherlands-based tribunal si dating presidente Rodrigo Roa Duterte.
Nitong nakaraang linggo, hinayag ni Vice President ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio ang appointment ni Kaufman bilang lead counsel ng kanyang ama. Naging legal counsel ang abogado sa ilang mga celebrity at politiko at iba pang mga “high-profile na personalidad sa mundo. Nagsilbi din siyang trial lawyer ng international court para sa dating Yugoslavia at nagtrabaho ding defense counsel para sa ICC.
Kasunod ng pagtanggap ng kanyang appointment bilang bahagi ng defense team ni Duterte, naging opinyon ni Kaufmann na “very confident” siya sa matibay na depensa para sa dating pangulong Duterte at kalaunan ay “acquitted” ito sa kanya kaso.
Samantala, isa namang eksperto sa international law ang nagbigay-pansin sa panahong nasa pagitan ng pre-trial at confirmation of charges ni Duterte na itinakda sa Setyembre 23 ngayong taon.
Ayon kay Atty. Joel Ruiz Butuyan, presidente ng Center for International Law at managing partner ng Butuyan and Rayel Law Offices, ang anim na buwan palugit ay makakapagbigay ng panahon para sa mga legal counsel ni Duterte na makapagresponde sa mga reklamo laban sa dating strongman ng Davao.
Kasabay nito, idinagdag ni Butuyan na maaaring gamitin ito ng mga abogado ni , Duterte para palutangin ang ilang hamon sa kaso sa ICC.
“Usually, what will happen is that they will file their challenge and the (ICC) prosecutor is going to . . . submit its counter-arguments and then the ICC, the Pre-Trial Chamber, is going to rule,” paliwanag ni Butuyan, na isa ring ICC-accredited lawyer.
Idinnin din nito na na kritikal na aspeto sa palugit ang paghayag ng ebidensya na magbibigay-daan para mapaghandaan ang paglilitis sa dating pangulo.
“At the ICC, the prosecutor is obliged to give him the evidence they gathered that favors him or can help in his defense,” sabi pa ng eksperto.
