BUDGET SA PABAHAY SA 2020 IPINASUSUMITE NA SA DBM

housing1

(NI ABBY MENDOZA)

INATASAN na ng House of Representatives ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na magsumite na sa Department of Budget and Management ng panukalang budget para sa susunod na taon.

Sa naging pagpupulong ng  House committee on housing and urban development kaugnay ng status ng preparasyon ng implementing rules and regulation para sa bagong housing department,  iginiit ng mga mambabatas ang kahalagahan na ngayon pa lamang ay maihanda na ang budget ng departamento na mangangasiwa sa housing program ng gobyerno.

Sa meeting na pinangunahan ni Committee chair Albee Benitez, lumabas na nagkakanya-kanya pang nagsusumite  ng budget ang Housing and Urban Development Coordinating Council at ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Paliwanag ni Dir. Angelito Aguila ng HUDCC, aabutin ng anim na buwan ang transition kaya male-late na sila para sa submission sa DBM.

Dahil dito’y inihirit ng mga kongresista sa DBM na bigyan ng konsiderasyon ang DHSUD bilang bago lamang na ahensya.

Giit  naman ni Benitez na kahit wala pang IRR ay batas na at nalikha na ang DHSUD kaya kailangan nitong magsumite ng panukalang budget para sa susunod na taon upang mayroon silang mai-prisinta sa Kongreso pagsapit ng budget deliberation.

189

Related posts

Leave a Comment