BULKANG BULUSAN AYAW MANAHIMIK

WALA pang nakikitang senyales na pwede nang magbigay katiyakan sa kaligtasan ng mga residente sa mga barangay na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 69 volcanic quakes ang naitala sa nakalipas na 24-oras. Sa naturang bilang, 56 ang pasok sa kategorya ng “volcanic tremors” na tumagal naman ng 19 minuto.

Bukod sa mga pagyanig ng lupa, nagtala na rin ng dalawang pagsabog ang naturang bulkan. Umabot naman sa 4,627 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong nakalipas na araw ng Linggo. Sa ulat ng mga eksperto, umabot hanggang 750 metro ang taas ng ibinuga ng bulkan.

Nananatili naman ang Alert Level 1 sa paligid ng nag-aalimpuyong bundok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer permanent danger zone (PDZ) at sa saklaw na two-kilometer extended danger zone (EDZ).

Hinikayat rin ng naturang ahensya ang pag-iwas ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Bulusan. (LILY REYES)

232

Related posts

Leave a Comment