BULKANG KANLAON NAG-AALBUROTO

NAG-ALBUROTO ang bulkang Kanlaon matapos makapagtala ng limang pagyanig sa nakalipas na magdamag, iniulat nitong Miyerkoles ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs, dahil sa mga pagyanig, itinaas sa alert level 1 ang paligid ng Bulkang Kanlaon.

Namataan din ang pagbuga ng usok sa tutok ng bulkan sa nakalipas na 24-oras.

Kaugnay nito, sinabi ng Phivolcs, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Nabatid pa sa ahensya na ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng ano mang uri ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Ang Bulkang Kanlaon na itinuturing na aktibong bulkan dahil sa nakalipas na mga pag-aalburoto nito, ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (PAOLO SANTOS)

283

Related posts

Leave a Comment