BULTO NG PFIZER VAX ILALAAN SA ‘HIGH RISK’

INIULAT ng National Task Force Against COVID-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa nitong Miyerkoles ay inilaan sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”.

Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating via Air Hong Kong flight LD456 dakong alas-8:30 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay.

Ang nasabing delivery ay itinuturing na “biggest shipment” ng Pfizer vaccine sa ngayon, sa bansa.

Sinabi ni NTF Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ang bakuna ay ipamamahagi sa mga lugar na may naiulat na kaso ng “highly transmissible Delta variant.”

“Pfizer vaccines will be distributed to the surge areas especially to the highly urbanized centers including the NCR,” ayon kay Galvez.

Ang shipment ay third batch ng Pfizer vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang first delivery ay dumating sa bansa noong Hulyo 21 na may kabuuang 562,770 doses habang ang second batch naman na dumating sa bansa noong Hulyo 26 ay mayroong 375,570 doses. (CHRISTIAN DALE)

354

Related posts

Leave a Comment