IBINIGAY ni Dasmariñas Mayor Jennifer Barzaga ang kanyang buong suporta sa senatorial bid ng millennial senatorial candidate na si Camille Villar, na binanggit ang napakalaking kontribusyon na maidudulot ng huli sa karagdagang pag-unlad ng lungsod.
Nakatayo sa harap ng 12,000 katao sa isang Zumba event kamakailan sa Dasmariñas Football Field, hinimok ni Barzaga ang kanyang mga nasasakupan na suportahan si Camille Villar sa pagsasabing makatutulong siya sa paghahatid ng mga proyekto mula sa mga pangunahing serbisyo hanggang sa pagpapaunlad ng imprastraktura.
Ang mga Villar ay maaasahang katuwang ng Dasmariñas, ani Barzaga, na tumutukoy sa iba’t ibang proyektong pangkaunlaran sa lungsod.
Dahil sa mga batikos na ibinato laban sa kanya ng mga karibal sa pulitika tungkol sa serbisyo ng tubig sa lungsod, kumpiyansa si Barzaga na sa pamamagitan ng interbensyon ni Camille Villar, matutugunan ang mga isyu sa supply ng tubig.
“Ngayon kasama po natin ang isa sa aking sinusuportahan dahil mula noon hanggang ngayon marami po silang nagawang proyekto dito sa Dasmariñas at isa rin po s’ya sa makakapag-solve ng isa sa mga problema natin sa Dasmariñas,” ani Barzaga nang ipakilala si Camille.
Sa kanyang bahagi, nagpasalamat si Camille Villar sa mga Caviteño sa kanilang mainit na pagtanggap.
Sinabi rin niya na ang mga consumer ay karapat-dapat sa wastong serbisyo, at tiniyak sa kanila na ipapaabot niya ang kanilang mga alalahanin sa (PrimeWater) management.
(Danny Bacolod)
