PATULOY na dumadagsa ang mga botante na nagpaparehistro sa mga site sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Noong Huwebes, umaabot na sa 1.2 milyon ang naitalang voter registrants. Una nang sinabi ng komisyon na target lamang nila na umabot sa isang milyon ang registrants na umabot naman noong Martes makalipas ang limang araw mula nang simulan ito noong Agosto 1. Sa inilabas na datos ng poll body, nakapagtala ng 1.204,144 registrants mula noong Agosto 1 hanggang 6. May pinakamaraming bilang ng aplikante ang Calabarzon na may 154,987,…
Read MoreCategory: BALITA
BUWIS NI ATONG ANG SISILIPIN NG BIR
HANDA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang mga negosyo ng gaming business tycoon na si Charlie “Atong” Ang upang tiyakin kung nagbabayad ito ng kaukulang buwis. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumaguil Jr., lahat naman ng mga negosyanteng may kinalaman sa online gambling ay kanilang tinitingnan lalo na kung may mga impormasyon silang natatanggap patungkol sa hindi pagbabayad ng tamang buwis. Aniya, kanilang susuriin para masiguro na hindi “tax evader” ang naturang negosyante. Dagdag pa ni Commissioner Lumaguil, kanila ring tinitignan ang lahat ng mga sangkot dahil…
Read MoreGATCHALIAN NAGLUNSAD NG MENTAL HEALTH CARAVAN PARA SA MGA MAG AARAL NA NAKARARANAS NG HAMON SA BUHAY
NAGLUNSAD ng mental health caravan si Senador Sherwin Win Gatchalian sa Quezon City Science High School upang ipaalala sa mga mag-aaral na kung may pinagdaraanan man sila pagdating sa kanilang mental health, hindi nila kailangang pasanin ito nang mag-isa. Ayon kay Gatchalian, maaari silang humingi ng tulong at may magagawa sila upang malampasan ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Aniya ang mental health caravan na pinamagatang “Tara, Usap! G?” ay sumusuporta sa pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080), na isinulat at itinaguyod…
Read MoreKaugnay ng pagbabawal sa pagparada sa mga kalye sa Metro Manila LCSP SA LGUs, MMDA: IPATUPAD NA LANG ANG BATAS
NAGLABAS ng paglilinaw ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ukol sa kanilang posisyon sa mungkahing pagbabawal ng paradahan sa mga lansangan sa Metro Manila. “Our group of lawyers is perplexed as to why there is even a need to draft a new policy or ordinance to prohibit parking on public roads. There is no legislative vacuum that needs to be filled — the law already exists. What is lacking is not regulation, but implementation,” paliwanag ng grupo. Dagdag pa nila, ang Republic Act No. 4136, o ang Land…
Read MorePOLICE MAJOR KINASUHAN NG SEXUAL HARASSMENT NG PNPA CADET
KINUMPIRMA ng pamunuan ng PNPA na nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang isang police major mula sa police academy matapos na ipagharap ng sexual harassment complaint ng isang kadete. Ayon sa PNPA, nasampahan na ng mga kasong kriminal ang pulis at isang kasong administratibo naman ang isasampa ng PNPA laban sa naturang personnel. Tiniyak naman ng academy na kasalukuyan na silang nagpapaabot ng psychological support sa biktima ng panghahalay at umapela ang paaralan na respetuhin at proteksyunan ang privacy ng biktima. Bigong kunan ng pahayag ang tagapagsalita ng PNP…
Read MoreBRITON ARESTADO SA 15 KG NG MARIJUANA KUSH
ISANG British national ang inaresto sa isinagawang joint interdiction operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Customs International Arrival Area, sa NAIA Terminal 3, matapos na mahulihan ng mahigit 15 kilo ng hinihinalang high grade marijuana kush. Ayon kay PDEA Director General, USEC Isagani Nerez, isinagawa ang interdiction operation bandang alas-8:40 noong Huwebes ng gabi, katuwang ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na binubuo ng mga operatiba ng PDEA – Regional Office NCR, Bureau of Customs – CAIDTF, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement…
Read MoreBRGY. CHAIRMAN TIMBOG SA CIDG SA KASONG MURDER
SAMAR – Arestado ang isang barangay chairman na may kasong murder at frustrated murder makaraan ang sampung taong pagtatago sa batas, nang masakote ng mga tauhan ng PNP-CIDG. Ayon kay CIDG Director Brig. Gen Christopher Abrahano, ang suspek na si alyas “Antonio”, ay incumbent barangay chairman ng Barangay Saraw, sa Bayan ng Motiong, Samar. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder, na inilabas ng Regional Trial Court Branch 29, 8th Judicial Region, Catbalogan City, Samar noong Nobyembre 17, 2016. Si Antonio ay…
Read MoreBISE ALKALDE BINARIL NG KONSEHAL, PATAY
AKLAN – Dead on arrival sa pagamutan ang bise alkalde ng bayan ng Ibajay sa lalawigan makaraang barilin ng konsehal nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Vice Mayor Julio Estolloso, 50-anyos. Pagkatapos ng pamamaril ay sumakay ng motorsiklo ang suspek na si Konsehal Mihrel Senatin, 43-anyos, at kusang sumuko sa mga awtoridad. Ayon kay Police Regional Office 6 (PRO-6) PBGen. Josefino D. Ligan, dakong alas-9:15 ng umaga, habang nakaupo sa kanyang mesa sa session hall ang biktima nang lapitan ito ng suspek at hiningian ng mga ordinansa na…
Read MoreP1-M PABUYA SA MAKAPAGTUTURO SA PUMASLANG SA ABP PARTY-LIST NOMINEE AT MGA KASABWAT
NAG-ALOK ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ng ₱1 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga pumatay kay Leninsky “Bogs” Bacud, ikatlong nominee ng ABP, na brutal na pinaslang noong Abril 28 sa may P. Guevarra St., Brgy. 435 Sampaloc, Maynila. “Hindi ito basta pagpatay. Isa itong pag-atake sa isang taong buong-pusong naglingkod sa bayan. Hindi kami tatahimik hangga’t hindi nakakamit ang hustisya,” pahayag ng ABP. Kinilala ang mga suspek na sina Arnold “Ford” Glean Umandap at Joshua Hernandez Andaleon. Noong Hulyo 30, naglabas ang Regional Trial Court,…
Read More