BRGY. CHAIRMAN TIMBOG SA CIDG SA KASONG MURDER

SAMAR – Arestado ang isang barangay chairman na may kasong murder at frustrated murder makaraan ang sampung taong pagtatago sa batas, nang masakote ng mga tauhan ng PNP-CIDG.

Ayon kay CIDG Director Brig. Gen Christopher Abrahano, ang suspek na si alyas “Antonio”, ay incumbent barangay chairman ng Barangay Saraw, sa Bayan ng Motiong, Samar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder, na inilabas ng Regional Trial Court Branch 29, 8th Judicial Region, Catbalogan City, Samar noong Nobyembre 17, 2016.

Si Antonio ay kasama umano sa 15 armadong kalalakihan na umatake at nagpaputok sa mga sundalo noong Mayo 15, 2015 sa Barangay Concepcion, Paranas, Samar na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat ng dalawang iba pa.

Matapos ang nasabing pag-atake ay palipat-lipat na ng tirahan si Antonio sa mga kabundukang sa bahagi ng Bayan ng Motiong.

(TOTO NABAJA)

99

Related posts

Leave a Comment