2026 DOT BUDGET APRUB SA SENADO

APRUBADO na ang panukalang budget ng Department of Tourism (DOT) at attached agencies nito para sa 2026 fiscal year. Sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2026, ang DOT ay may proposed budget na P3.718 bilyon para sa ahensya. Ilalaan ang P3.19 bilyon para sa Office of the Secretary habang ang attached agencies nito kabilang ang Intramuros Administration, National Parks Development Committee, at Philippine Commission of Sports Scuba Diving, ay magkakaroon ng P159 milyon, P320 milyon at P44.9 milyon, ayon sa pagkakabanggit. Inihayag ni Senate Deputy Majority Leader…

Read More

WALKTHROUGH SA RUTA NG TRASLACION, ISINAGAWA

BAGAMA’T may panaka-nakang pag-ulan nitong Martes ng umaga, itinuloy pa rin ang Walkthrough para sa ruta ng Traslacion 2026. Bandang alas-5 ng umaga nang simulan ang aktibidad sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan doon magsisimula o manggagaling ang imahe ng Nazareno sa Enero 9, 2026. Tatahakin ang ruta ng Traslacion hanggang sa simbahan ng Quiapo. Kasama sa Walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo at ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan. Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Nazareno 2026. Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin…

Read More

P1-M PATONG SA ULO NI CASSANDRA ONG

NAG-ALOK ng isang milyong piso na pabuya ang Department of Justice (DOJ) para sa anomang impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ng principal accused sa qualified human trafficking na si Cassandra Li Ong, executive ng Lucky South 99 at kapwa akusado ni dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito ang inanunsyo ni Justice Secretary Fredderrick A. Vida sa isang press briefing, kung saan kinumpirma niyang “urgent” ang utos na madakip si Ong at maiharap sa hukuman. Si Guo ay nauna nang hinatulan ng reclusion perpetua ng Pasig City Regional Trial Court dahil…

Read More

74 TIMBOG SA 1-WEEK ANTI-DRUG OPS NG SPD

INARESTO ng Southern Police District (SPD) ang 74 katao at nakumpiska ang P1.88 milyong halaga ng ilegal na droga sa isang linggong operasyon mula Nobyembre 17 hanggang 23. Sa naturang panahon, nagsagawa ang iba’t ibang yunit ng SPD ng 59 operasyon laban sa ilegal na droga, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang high-value individual at 72 street-level suspect. Ayon sa ulat, nakumpiska ng mga operatiba ang 276.42 gramo ng shabu, limang gramo ng marijuana, 0.9 gramo ng kush, at iba pang drug paraphernalia. Nagtala ang Taguig police ng pinakamataas na…

Read More

OBRERO ARESTADO SA ILEGAL NA DROGA

INARESTO ng pulisya ang isang factory worker na hinatulan ng korte dahil sa pag-aari ng ilegal na droga sa Taguig nitong Nobyembre 25. Ang naarestong indibidwal, na kinilalang si alyas RR, 25, ay dinakip sa Block 3, Zone 3, Barangay Fort Bonifacio, ng mga operatiba mula sa District Mobile Force Battalion ng Southern Police District sa tulong ng District Special Operations Unit at ng Warrant and Subpoena Sections ng Makati at Taguig police. Si RR ay itinala bilang No. 7 top most wanted person ng Makati police ngayong Nobyembre. Ang…

Read More

2 KINASUHAN NA NG QCPD SA BAR SHOOTING SA QC

SINAMPAHAN na ng kasong kriminal ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Jayson Dellosa at Joseph “Pepe” Santosa Juan, kaugnay ng pamamaril sa isang night club sa Brgy. Laging Handa, Quezon City. Batay sa imbestigasyon, bandang alas-3:08 ng madaling-araw noong Nobyembre 16, 2025, dumating si Jayson sa club at naghintay sa labas para kay Joseph “Boss Pepe”, operations manager ng bar. Pagdating ni Pepe, pinasok nito si Jayson nang hindi dumaan sa regular na security check. Alas-4:42 ng umaga, nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng kasama…

Read More

ENGR. ABAGON NAHULI SA BAHAY NG ORIENTAL MINDORO VICE MAYOR

KINUMPIRMA ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sa bahay mismo ng bise alkalde sa Bansud, Oriental Mindoro naaresto si Engr. Dennis Abagon, isa sa mga akusado sa flood control scam nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Remulla, malinaw na natukoy ng mga awtoridad na ang property ay pag-aari ng bise alkalde. Patuloy na iniimbestigahan ng NBI at DILG ang tunay na dahilan at “nature” ng pananatili ni Abagon sa lugar. Naaresto si Abagon ng NBI sa Quezon City matapos mabigo ang service of warrant sa kanyang dating address sa Cavite.…

Read More

MOMAY ISAMA SA BIKTIMA NG AMPATUAN MASSACRE

SA paggunita sa ika-16 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, isang petisyon ang inihain kahapon sa Court of Appeals (CA) para isama si Reynaldo “Bebot” Momay bilang ika-58 biktima ng pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao. Sa Manifestation with Urgent Motion for Resolution and Motion to Correct Clerical Errors na inihain ni Atty. Gilbert Andres, iginiit niyang dapat agad resolbahin ng CA ang apela ng pamilya Momay matapos hindi ito kilalanin sa listahan ng mga nasawi sa Maguindanao massacre. Kinuwestiyon din niya ang partial decision ng Quezon City RTC Branch 221…

Read More

HEPE, 14 PULIS SIBAK SA CAVITE

KINUMPIRMA ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sinibak sa puwesto ang commander ng PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit ng CALABARZON dahil sa command responsibility, kasunod ng pagnanakaw at panghahalay umano ng kanyang mga tauhan sa bahay ng isang Grade 9 student sa Bacoor, Cavite. Kasama ring ni-relieve ang 14 na suspek, kabilang ang walong naaresto sa loob mismo ng Camp Vicente Lim, ang kanilang team leader na may ranggong Police Lieutenant, habang anim pa ang nananatiling at-large. Inaresto ang mga suspek ng Bacoor PNP noong Linggo ng madaling…

Read More