NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon. Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara…
Read MoreCategory: BALITA
Pagbaba ng bigas sa P25/K bomalabs NANANAGINIP SI BONGBONG
(BERNARD TAGUINOD) “BAKA nasa panaginip lang ng Pangulo.” Reaksyon ito ng grupo ni dating congressman at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano ukol sa ipinagmamalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nabibili na ang mga bigas sa Kadiwa sa halagang P25 kada kilo. Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas at AMIHAN National Federation of Peasant Women, walang katotohanan na nagbebenta ang mga Kadiwa ng bigas sa naturang halaga at kung meron man ay mas mahal ang pasahe bago makarating sa mga lugar na meron nito.…
Read MoreLGUs, PNP OFFICIALS PADRINO NG HI-TECH JUETENG SA MINDORO
DISMAYADO ang samahang sibiko, non-government organizations, simbahan lalong-lalo na ang mga bwisit na bwisit na mga residente sa pagiging inutil diumano ng kanilang LGUs na sugpuin ang operasyon ng hi-tech jueteng sa Oriental Mindoro. Bukod sa ‘untouchable’ illegal numbers game, maraming malalaking kaso at iba pang uri ng kriminalidad sa nasabing lalawigan ang hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano malutas-lutas. Ayon sa ilang source, simula nang maitalaga si Police Regional Office 4B MIMAROPA Regional Director PBGen. Sidney Hernia ay hindi man lang nahinto ang talamak na hi-tech jueteng corporation…
Read MoreSolon: Pwede namang maiwasan kung… PUTIN PINAAARESTO NA NG ICC, DUTERTE NEXT
MAIIWASANG maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga kasabwat nito kung seseryosohin ang pag-iimbestiga at pagpapanagot sa mga ito sa war on drugs. Pahayag ito ni ACT party-list Rep. France Castro dahil posibleng magaya si Duterte at mga kasabwat nito sa war on drugs kay Russian President Vladimir Putin na inisyuhan na ng arrest warrant ng ICC dahil sa pag-deport sa may 7,000 Ukrainian children sa Russia na itinuturing na isang uri ng war crime. “Now there is a chance…
Read MoreSUPLAY NG ISDA SAPAT SA KABILA NG OIL SPILL – BFAR
KUMPIYANSA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi magkakaroon ng pangmalawakang kakulangan sa suplay ng isda dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro. Sa katunayan, sapat anila ang suplay ng isda para ngayong Mahal na Araw. Ayon sa ahensya, ang fishing grounds sa bansa ay muling nagbukas matapos ang periodic closure nito kung saan pinapayagan na ma-reproduce ang fish species. Iyon nga lamang, ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, maaaring magresulta ng mababang fish output ang oil spill sa Oriental Mindoro at kalapit-lalawigan kasunod ng patuloy na…
Read MoreKUMPANYANG SANGKOT SA OIL SPILL DAPAT MAGBIGAY NG AYUDA – SOLON
HINIMOK ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay rin ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro. Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”. “Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito,” ani Yap. Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanapbuhay. I am…
Read MoreBanta ni Romualdez KULONG SA MAGSISINUNGALING SA CONGRESSIONAL INQUIRY
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na diretso sa bilangguan ang mga magsisinungaling sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on agriculture and food ngayong Martes kung saan inaasahang makikilala ang mga nasa likod ng kartel ng sibuyas at iba pang mga produktong pang-agrikultural na nagpapahirap sa bansa. “Inuulit ko, sa kulungan kayo dadamputin kung hindi kayo magsasabi ng totoo,” babala ni Romualdez. Sinabi ni Romualdez, malinaw ang misyon ng mga kongresista sa pangunguna ni Quezon Rep. Mark Enverga sa pagsasagawa ng imbestigasyon para maibaba ang presyo ng sibuyas…
Read MoreMWP SA MURDER TIKLO SA QC
TIMBOG ang isang 50-anyos na tricycle driver na suspek sa pagpatay, sa ikinasang “One Time Big Time” operation ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa pinaglulunggaan nito sa Quezon City. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Arnold Laon, may asawa, ng Parola Compound, Brgy. 20, Tondo. Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas-4:30 ng hapon nang matunton ang suspek sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of…
Read MoreSOLAR-POWERED TOLL PLAZA DINAGDAGAN SA NLEX-SCTEX
UPANG mapataas ang kanilang sustainability effort ay dinagdagan ng NLEX Corporation ang mga ikinabit na solar panel sa 36 pang toll plaza ng NLEX-SCTEX. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay nagkabit ng monocrystalline solar panels sa 21 NLEX toll plaza at 15 toll plaza naman sa SCTEX, na gagamit ng elektrisidad mula sa sikat ng araw na magko-convert sa kuryente sa pamamagitan ng photovoltaic cells o solar cells. Kabilang sa mga lugar na lalagyan ng solar panel ang mga toll plaza sa Mindanao, Karuhatan, Paso de Blas, Marilao, Ciudad de Victoria/Philippine…
Read More