TINAWAG na fake news ng Department of Health (DOH) ang kumalat na impormasyon na mas ligtas ang vape kaysa paghithit ng sigarilyo. Nagbabala ang kagawaran na huwag maniwala sa mga propaganda pabor sa vape dahil pareho lamang ang epekto nito sa kalusugan. Paalala ng DOH, huwag magpaloko sa sinasabing marketing strategy ng vape at iba pang novel nicotine products. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, walang katotohanan na mas ligtas ang vape kaysa sigarilyo. Sinabi pa ng kalihim, pinaiigting ng kanyang tanggapan ang mga inisyatibo para protektahan ang mga Filipino…
Read MoreCategory: BALITA
DEATH TOLL KAY TINO LUMOBO PA
UMAKYAT sa 269 nitong Lunes ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng Typhoon Tino sa Central Philippines, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD). Ayon sa OCD, nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cebu na may pinakamalaking bilang ng mga nasawi na umaabot sa 150. Habang 77 katao naman ang iniulat na namatay sa Negros Occidental, 23 sa Negros Oriental, anim sa Agusan del Sur, tatlo sa Capiz, tig-dalawa naman sa Leyte, Southern Leyte at Dinagat Island, at tig-isa sa Antique, Iloilo, Guimaras, at Bohol. Pinangangambahang madagdagan…
Read MoreRESIDENTIAL AREA SA TONDO NASUNOG
ITINAAS sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila nitong Lunes. Ayon sa mga residente sa lugar, bahagi ng Inocencio at Trinidad St. na sakop ng Barangay 91 at 93, ang natupok na mga kabahayan. Ayon sa inisyal na impormasyon, bago alas-11 ng umaga nang sumiklab ang sunog. Ilang mga residente ang tumulong sa mga bumbero na apulahin ang sunog at sa Ilog o estero na kumukuha ng tubig na pambuhos. Kanya-kanya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa sunog. (JOCELYN DOMENDEN)…
Read MoreINC RALLY WALANG KONEKSYON SA VIDEO NI ZALDY CO
WALANG kaugnayan ang paglabas ng video ni dating cong. Zaldy Co laban sa Malakanyang sa peaceful rally ng Iglesia ni Cristo (INC), ayon kay INC Spokesman Edwil Zabala. Nilinaw niya na hiwalay ang timing ng video ni Co, na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez sa mga paratang ng katiwalian, sa tatlong araw na Rally for Transparency and a Better Democracy ng INC. Kasunod nito, pinuna ni Mamamayang Liberal party-list Rep. at House Deputy Minority Leader Leila de Lima ang timing ng video, na…
Read MoreDILG UMAASANG PAYAPA PAGTATAPOS NG INC PROTEST
GENERALLY peaceful ang unang araw ng mass demonstration ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Maynila, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, inaasahang mananatiling maayos ang tatlong araw na pagkilos, kasabay ng babala sa mga posibleng manggulo na handa ang pamahalaan na tugunan ang anomang banta sa public order. Sa panayam noong Linggo ng hapon, sinabi ng kalihim: “Sa pinag-usapan namin ng mga tagapamahala ng INC, nakikita naman natin na they are living up to what they promised. Tahimik naman sa…
Read More‘WITHDRAWAL OF SUPPORT’ NI BARZAGA PINAGTAWANAN SA KAMARA
HINDI sineryoso kundi pinagtawanan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panawagan ni Dasmarinas Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa lahat ng institusyon na mag-withdraw na ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Nakakawalang gana naman ang mga tanong natin,” ang natatawang pahayag ni House deputy Speaker Ronaldo “Ronnie” Puno matapos kunan ng pahayag kaugnay ng panawagan ni Barzaga kasunod ng isiniwalat ni dating congressman Zaldy Co na tumanggap umano ng P25 billion komisyon sina Marcos at House Speaker Martin Romualdez mula sa P100 billion na ipinasingit sa 2025 national…
Read MoreSEDITION SINISILIP NG DILG SA ANTI-MARCOS RALLY
HINDI pinalagpas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panawagang magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang paghikayat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin ang suporta sa lehitimong gobyerno, na inilabas sa United People’s Initiative (UPI) rally nitong Lunes sa People Power Monument sa Quezon City. Ayon sa ahensya, ang ilan sa mga pahayag sa rally ay “close to inciting sedition” at walang puwang sa isang civil society. Nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na ang kalayaan sa pagpapahayag ay may kaakibat na…
Read MoreGRUPONG ANTI-MARCOS ‘INISMOL’ NG MALAKANYANG
NAPAKALIIT lamang umano ng grupo na humihiling na magbitiw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto, ayon kay Acting Presidential Communications Office (PCO) Chief Dave Gomez. Sinabi niya na malamang ay bunga lamang ito ng pilit na isinasangkot ang Pangulo sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control corruption scandal. “Napakaliit ng grupo nitong gustong pababain ang Pangulo,” ani Gomez. Dagdag pa niya, “Hindi ba obvious ‘yung mga gustong magpapaba ay ‘yung mga tatamaan?” Binanggit din niya na mahigpit na minomonitor ng gobyerno ang mga personalidad na may layuning guluhin ang…
Read MoreManila Water Net Income up by 25% as of 3Q 2025
Manila Water continues its strong showing with another period of double-digit net income growth. The company posted earnings growth by 25% to reach nearly ₱12.6 billion. The continued topline growth momentum in the company’s East Zone Concession and Non-East Zone Philippines (NEZ PH) businesses were the primary drivers for the strong performance. With further support from continued initiatives towards operating efficiency and productivity, Manila Water posted a 14% growth in EBITDA to surpass ₱21 billion. This translates to a three-percentage-point improvement in EBITDA margin from last year, to reach 73%.…
Read More