Kinumpirma ng Department of Budget and Management na makatatanggap ang sektor ng edukasyon ng record-high na ₱1.28 trilyon sa House-approved Fiscal Year 2026 national budget, ang kauna-unahang pagkakataong umabot at lumagpas ang pondo sa 4% ng Gross Domestic Product ng bansa. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang naturang alokasyon ay patunay ng matatag na paninindigan ng pamahalaan na gawing pangunahing puhunan ang edukasyon para sa pangmatagalang pag-unlad ng Pilipinas. “Pinapakita nitong pag-abot natin sa 4% kung gaano kaseryoso ang gobyerno sa pag-invest sa ating education system. Hindi po tayo…
Read MoreCategory: BALITA
REGIONAL STI FAIR INILUNSAD NG DOST
BILANG pagpapalakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng science and innovation, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) sa Malolos Sports and Convention Center, New City Hall Compound sa Malolos, Bulacan, noong Nobyembre 12. Sa pakikipagtulungan sa Bulacan State University (BulSU) at sa Local Government Units (LGUs) ng Malolos at Guiguinto, ang event ay nakatuon sa pangunahin nitong tema, “Science, Technology, and Innovation: Partner in Building a Resilient, Prosperous, and Secure Future” na may regional subtheme: “Building Smart and Sustainable Communities…
Read More1 huli, 2 nakatakas DRUG LABORATORY SA ANTIPOLO SINALAKAY NG PDEA
SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang hinihinalang drug laboratory sa Antipolo City nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez. Ayon sa report, nadiskubre at binuwag ng joint operatives ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Team 2, PDEA Rizal Provincial Office at Rizal Provincial Intelligence Team, ang shabu laboratory na hinihinalang pinatatakbo ng mga banyaga. Isang high value target ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation bandang alas-2:00 ng madaling araw…
Read MoreLIBO-LIBONG PINOY NAMANGHA SA ‘DISNEYLAND’ SA BATANGAS
LIBO-LIBONG bisita ang dumagsa sa J Castle Theme Park sa Tanauan, Batangas upang saksihan ang kanilang “Dreamers: The Nighttime Spectacle of Lights” Grand Christmas Tree Lighting at 3D Digital Projection Premiere. Maagang sinalubong ng pamunuan ng J Castle, ang pinakamalaking immersive park sa bansa, ang Christmas season sa pamamagitan ng grand fireworks display at Christmas tree lighting sa mahigit sampung ektaryang amusement park. Mistulang Disneyland ang handog na lights, music, at magic ng J Castle, lalo pa’t si Ms. Maja Salvador ang nag-MC sa gabi ng selebrasyon. Libo-libong dumalo ang…
Read MoreKREDIBILIDAD NG ICI TAGILID SA ZALDY CO EXPOSE’
NALAGAY sa alanganin ang kredibilidad ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa expose ni resigned Congressman Zaldy Co kaya kinakailangan nang magkaroon ng legislated Independent Commission na mag-iimbestiga sa napakalawak na katiwalian sa gobyerno. Iginiit ito kahapon ni Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando kasunod ng isiniwalat ni Co na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nagpasingit ng P100 billion sa 2025 national budget at idineliber umano nito sa Malacanang at sa bahay ni dating House Speaker Martin Romualdez sa North at South Forbes Park, Makati ang 25%…
Read MoreGATCHALIAN HINDI RIN KUMBINSIDO KAY ZALDY CO
PINUNA ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian ang ilang inconsistencies o butas sa mga naging pahayag ni dating Cong. Zaldy Co. Partikular na pinuna ni Gatchalian ang sinabi ni Co na nagpasingit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P100 bilyon sa bicam committee level ng budget process para sa 2025. Sinabi ni Gatchalian na nakapagtatakang nagsingit ang Pangulo ng pondo sa bicam level gayung maaari niya itong gawin sa pagbalangkas ng National Expenditure Program. “Pero nung ina-analyze ko yung mga comment ni Zaldy Co, may mga inconsistency o hindi…
Read MoreMaagang dinagsa Luneta INC RALLY: TAPUSIN ANG KATIWALIAN!
DUMAGSA kahapon ang libo katao sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Luneta, Maynila para ipanawagan ang laban sa katiwalian at korupsyon. May temang “Rally for Transparency and Better Democracy,” sinamahan ang INC ng iba’t ibang civil society groups sa unang araw ng kanilang tatlong araw na pagtitipon na tatakbo hanggang Martes, Nobyembre 18. Nagmula pa sa iba’t ibang probinsiya ang mga dumalo, at tinatayang aabot sa 1.3 milyon hanggang 1.5 milyon ang inaasahang dadagsa sa buong serye ng protesta. Umapela ang mga tagasuporta ng INC na…
Read MoreBABARILIN AKO NI MARTIN – ZALDY CO
PINAGBANTAAN umano ni dating House Speaker Martin Romualdez si resigned Congressman Zaldy Co na babarilin kapag nagsalita hinggil sa katiwalian sa flood control projects. Isinaad ito ni Co sa kanyang ikatlo at huling bahagi na video statement na ginawa sa hindi binanggit na lugar. Kasabay nito ay ibinunyag niya na hindi P21 billion lamang ang flood control projects sa Bulacan kundi P56 billion na ang may-ari aniya ay si Pangulong Bongbong Marcos. “March 2025 pa lang, si Speaker ay nagpaparinig na sa akin sa aming meeting that he will shoot…
Read MoreMAYOR ISKO, VM CHI NAKASUPORTA SA INC RALLY
DUMATING sa Quirino Grandstand si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza upang magbigay ng suporta sa nagaganap na peace rally sa lungsod. Ayon sa alkalde, personal niyang sinuri ang mga nakadeploy na medical frontliner at ang mga itinakdang holding area para sa mga dadalo sa Maynila. Para naman sa mga inaasahang dadagsa sa tatlong araw na peace rally, handa umanong ipagamit ng lungsod ang ilang pasilidad, kabilang ang San Andres Sports Complex, Dapitan Sports Complex at Delpan Sports Complex. Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng…
Read More