Kasunod ng dangerous maneuver PAGPASOK NG CHINA SA PHILIPPINE AIRSPACE KINONDENA NG U.S.

TAHASANG kinondena ng Estados Unidos ang “mapanganib” na kilos ng isang helicopter ng Peoples Liberation Army (PLA-Navy) ng China, na lumapit sa isang eroplano ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc. Hinimok ni U.S. Ambassador MaryKay Carlson ang China na umiwas sa pananakot at lutasin ang mga alitan sa mapayapang paraan. “We condemn the dangerous maneuvers by a PLA Navy helicopter that endangered pilots and passengers on a Philippine air mission. We call on China to refrain from coercive actions and settle its disputes peacefully in accordance with international law,” mariing…

Read More

CRIME RATE SA PILIPINAS BUMABA NG MAHIGIT 25 PORSYENTO

ITO ay sa likod ng napaulat na mga kaso ng pagpatay at iba pang krimen kamakailan gaya ng pagpatay sa isang doktor at isang negosyanteng senior citizen. Ayon sa Philippine National Police (PNP), bumaba ng 26.76 percent ang insidente ng focus crimes sa bansa, mula 4,817 na kasong naitala mula unang araw ng Enero hanggang sa kalahati ng Pebrero 2024 ay bumaba ito sa 3,528 cases ng kahalintulad ding panahon nitong 2025. Nasa kategorya ng focus crimes ang homicides, murder, panggagahasa theft, robbery, physical injury, at carnapping. Sa nasabing mga…

Read More

PILOT INSTRUCTOR, TRAINEE LIGTAS SA EMERGENCY LANDING

NAKALIGTAS sa posibleng kamatayan ang isang pilot instructor at ang kanyang trainee matapos sapilitang mag-emergency landing sa isang madamong bukirin sa Barangay Lalangan, Plaridel, Bulacan, nitong Miyerkoles ng umaga. Nangyari ang nasabing landing incident ng PA 38 Tomahawk (2-seater training plane) bandang alas-9:30 ng umaga nang biglang huminto ang makina ng eroplano habang nasa kalagitnaan ng flight training. Kinilala ang pilot instructor na si Velentine Bartolome, 50, binata at residente ng Antipolo City, at ang pilot student ay si David John Cayaban, 25, binata, residente ng Las Piñas City. Lumabas…

Read More

10-araw para sundin suspension order ULTIMATUM NG DILG SA MGA PARAYNO

UPANG maresolba ang isyu, nagbigay na ng sampung araw na taning si DILG Secretary Jonvic Remulla upang sundin ng magpinsang Urdaneta City Mayor Julio ‘Rammy ” Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno ang isang taong suspension order na iginawad sa kanila ng Malakanyang kaugnay ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong January 3,2025. Sa media interview, sinabi ni Secretary Remulla na sa loob ng sampung araw ay malulutas na ang naturang usapin. Nakarating sa DILG na kahit naisilbi ng DILG…

Read More

MGA NASA LAYLAYAN PAGSISILBIHAN NI CAMILLE

BINIGYANG-PUGAY ni Camille Villar si late Doña Aurora Quezon, maybahay ng naging pangulong si Manuel Quezon, sa kanyang pagmamahal sa bayan sa 46th Founding Anniversary ng lalawigan ng Quezon nitong Miyerkoles. Villar recognized Doña Aurora, through her work as the first president of the Philippine National Red Cross. Doña Aurora was an epitome of women empowerment, especially during her time, Villar noted. While she stayed in the background as a first lady, she espoused many causes even after President Quezon’s death, so fiercely, that she sacrificed her life for the…

Read More

Hindi lang pagtaas ng sahod TRABAHO, KABUHAYAN SA MANGGAGAWA TITIYAKIN NI NOGRALES

HINDI lang pagtaas ng sahod ang nais ni Rizal District IV Representative Juan Fidel Felipe Nograles dahil mas mahalaga aniya ang mabigyan ng trabaho at hanapbuhay ang mga Pilipinong manggagawa. Kaya nga kamakailan sa pagdalaw ng kongresista sa bayan ng Montalban, pinangunahan niya ang orientation para sa humigit kumulang sa limang libong residente sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DoLE) nitong nakaraang Sabado, Pebrero 15, 2025, sa Barangay San Rafael ng nasabing bayan. Layunin ng orientation na makapagsumite ng…

Read More

ROMUALDEZ, 3 PANG SOLON PINASUSUSPINDE SA OMBUDSMAN

ITINULAK ng kapwa mambabatas ang suspensyon laban kay House Speaker Martin Romualdez at tatlong iba pa habang hindi nareresolba ang mga kasong inihain na may kaugnayan sa 2025 general appropriations bill (GAB). Kahapon ay inihain ni dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kasama sina Atty. Ferdie Topacio, Atty. Jimmy Bondoc, Diego Magpantay ng Citizen’s Crime Watch at Virgilio Garcia ng Motion for Preventive Suspension sa Office of the Ombudsman ang petisyon laban kay Romualdez. Bukod sa kasalukuyang lider ng Kamara, pinagsususpinde rin nina Alvarez sina Majority Leader Jose Manuel Dalipe,…

Read More

Nagpetisyon na rin sa SC CONSTITUTIONALITY NG IMPEACHMENT KINUWESTYON NI VP SARA

(CHRISTIAN DALE/JULIET PACOT) NAGHAIN ng petisyon si Vice President Sara Duterte sa Korte Suprema na humahamon sa ‘validity at constitutionality’ ng 4th impeachment complaint laban sa kanya. Ang petition for certiorari and prohibition ay inihain sa Korte Suprema nitong Martes, Pebrero 18. Kabilang sa mga respondent ng petisyon sina House Speaker Martin Romualdez, House Secretary General Reginald Velasco at Senate President Francis Escudero. Inihain ang nasabing petisyon ng kampo ni VP Sara sa pamamagitan ng Fortun Narvasa and Salazar law offices. Sa ulat, napag-alaman na natanggap ito ng Korte Suprema…

Read More

PUBLIKO, HINIMOK NA DOBLEHIN PAG-IINGAT SA MOSQUITO-BORNE DISEASE

HINIMOK ni Senate Committee on Health chairman Christopher Bong Go ang publiko na manatiling vigilante at doblehin ang pag-iingat laban sa mosquito-borne disease. Sa gitna ito ng dengue outbreak sa ilang mga lugar sa bansa tulad sa Quezon City. Ipinaliwanag ni Go na ang dengue ay seryosong banta sa kalusugan lalo na sa mga kabataan kaya kailangan ng dobleng pag-iingat at sumunod sa tamang hakbang para maiwasan ang sakit. Pinaalalahanan ng senador ang publiko na agad magpasuri sa doktor oras na magkaroon ng sintomas ng dengue. Hindi anya dapat balewalain…

Read More