ABU DHABI, UAE — Isinusulong ni Senate Committee on Energy Chairman Senator Erwin Tulfo ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE), sa pamamagitan ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC), para sa pagtatayo ng malaking imbakan ng langis na magsisilbing regional oil hub. Layunin ng proyekto na patatagin ang suplay ng langis at kuryente sa bansa at makatulong na maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at kuryente sa mga mamimili. Sa bilateral discussions noong Oktubre 29, ipinahayag ng delegasyon ng Pilipinas, sa pangunguna ni Tulfo…
Read MoreCategory: BALITA
KALIGTASAN NG MGA MAG-AARAL DAPAT TIYAKIN NANG HINDI LALALA LEARNING LOSS SA SUPER EL NIÑO
HINIMOK ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyaking mapangangalagaan ng mga protocol nito laban sa El Niño ang kaligtasan ng mga mag-aaral nang hindi lalo pang pinalalala ang learning loss. Sa halip na magpatupad ng malawakang suspensyon ng klase, iginiit ni Gatchalian na dapat isaalang-alang ang lokal na sitwasyon sa bawat lugar sa pagpapasya kung kinakailangang kanselahin ang mga klase. Nagbabala ang Senate President na maaaring magpalala sa learning loss at magpalubha sa krisis sa edukasyon ang blanket suspension ng mga klase. “Hindi lang ang…
Read MorePANGULONG MARCOS, DUMALO SA UNANG SESYON NG BANGSAMORO PARLIAMENT
MULING tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buong suporta ng pambansang pamahalaan sa Bangsamoro region at sa mga mamamayan nito sa pagdalo niya sa inaugural session ng kauna-unahang demokratikong halal na Parlamento ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Dinaluhan ng Pangulo ang makasaysayang pagtitipon kasama ang mga bagong halal na pinuno ng rehiyon noong nakaraang linggo, na nagmarka ng pormal na pagtatapos ng pitong taong transisyon sa ilalim ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at pagsisimula ng unang regular na pamahalaang parlamentaryo ng Bangsamoro. Inilarawan ni Pangulong…
Read MoreADUANA SA BATANGAS, PINURI NI GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO SA RECORD-BREAKING COLLECTION
PINURI ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Batangas, sa pangunguna ni District Collector Carmelita “Mimel” Talusan, dahil sa naitalang pinakamataas na buwanang koleksiyon nito at patuloy na pagsisikap na gawing mas episyente ang proseso ng aduana para sa mga negosyo. Ipinahayag ni Santos-Recto ang pagkilala sa isinagawang courtesy call ni Talusan, kung saan tinalakay ang mahalagang papel ng Port of Batangas sa pagsuporta sa kalakalan at paglago ng ekonomiya ng lalawigan. Kasunod ito ng makasaysayang koleksiyon ng tanggapan noong Setyembre 2026 na umabot sa P24.540…
Read MoreHALLOWEEN FEVER! MGA BAGETS, MASAYANG NAKIBAHAGI
TODO-BIGAY ang mga naggagandahang kabataan sa kanilang cinematic at nakapaninindig-balahibong hitsura bilang sina Valak at Pennywise sa masiglang afternoon community celebration sa Vermont Park Village, Antipolo City kamakalawa. (JUN VILLARICA) 155
Read MorePHILIPPINE ARMY, NAGBIGAY-PUGAY SA MGA NASAWING BAYANI SA PAGGUNITA NG UNDAS 2026
Nagbigay-pugay si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. sa mga nasawing bayani sa pamamagitan ng pagsaludo sa seremonya ng paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa sa Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio, Taguig City, noong Oktubre 31, 2026. (Larawan: Cpl. Rodgen V. Quirante PA/PAO, PA) BILANG paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa, nagbigay-pugay ang Philippine Army (PA) sa mga sundalong nagbuwis ng buhay sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin sa pamamagitan ng seremonya sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Fort Bonifacio, Taguig City. Nakipagtulungan ang Hukbong…
Read MoreSUSPEK SA PANG-AABUSO SA BATA, TIMBOG SA PROJECT HULIWEEN
PAGKARAAN ng 10-taon, nabigyan din ng hustisya ang pang-aabuso sa isang 7-anyos na batang babae matapos naaresto ang suspek na nasa listahan ng most wanted persons (MWPs) ng Region 4 sa Bacoor City, Cavite nitong Huwebes ng gabi. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Franco Exequiel Manuel Sales Javier, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 109, Capas, Tarlac, inaresto ang suspek na si alyas “Rodolf”, nasa listahan ng Regional Most Wanted Person (MWP), PRO 4, sa kasong statutory rape. Ayon sa ulat, bitbit ang warrant of…
Read More2 NPA NAPASLANG NG MILITAR, MGA ARMAS NASAMSAM
DALAWANG hinihinalang miyembro ng communist New People’s Army (NPA) ang napaslang sa inilunsad na military operation sa Dolores, Eastern Samar, habang ilang sandatang pandigma ang nasamsam ng Philippine Army sa hiwalay na operation sa Northern Samar. Ayon sa military report mula Army 52nd Infantry Battalion, nakasagupa nila ang mga kasapi ng NPA sa liblib na bahagi ng Barangay Jicontol, Dolores, noong Miyerkoles na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang rebelde at pagsamsam sa dalawang high-powered firearms. Nabatid na nagsumbong ang mga residente sa area hinggil sa presensya ng mga armadong rebelde…
Read MorePH NAVY NAKILAHOK SA 82ND BATTLE OF SURIGAO STRAIT
NAKILAHOK ang Naval Forces Eastern Mindanao ng Philippine Navy (NFEM-PN) sa paggunita sa ika-82 anibersaryo ng Labanan sa Surigao Strait (Battle of Surigao Strait) upang parangalan ang mga bayaning nagbuwis ng buhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isinagawa ang pangunahing seremonya sa BOSS Memorial Site sa Punta Bilar, Surigao City, na kinabibilangan ng pag-aalay ng mga korona ng bulaklak, 21-gun salute at pagsisindi ng sulo bilang pagpupugay sa mga nasawi sa makasaysayang labanan. Nakibahagi rin sa paggunita ang mga sasakyang-dagat ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa pamamagitan ng pagpapatunog…
Read More