NAGHATID ng kanilang tradisyonal na gift-giving ang pamilyang Villar, sa pangunguna nina Senators Cynthia at Mark Villar, sa 50 batang mula Baseco, Tondo, na ginanap sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City noong Sabado. “Malapit sa puso namin ang Tondo dahil diyan lumaki ang aming ama, kaya hindi namin kayo makakalimutan,” sabi ni Senator Mark Villar. Ang mga bata mula sa Tondo, Maynila, ay dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City para sa selebrasyon. Dahil madalas bisitahin ang Baseco bago mag-pandemya, alam ni Senadora Cynthia ang kwento ng mga…
Read MoreCategory: BALITA
PAGPAPATALSIK SA EVSIP NG PUERTO PRINCESA PINAGTIBAY NG SC
PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na nagpatalsik sa “Early and Voluntary Separation Incentive Program” (EVSIP) ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa, na nagsasabing ito ay lumabag sa batas ng Government Service Insurance System (GSIS). Ipinasa rin ng Korte sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa diumano’y mga paglabag na isinagawa ng mga lokal na opisyal, kabilang na ang Mayor ng Puerto Princesa na si Lucilo Bayron. Sa isang 18-pahinang resolusyon ng Korte Suprema na inilabas noong Pebrero 27, 2024 (GR No. 253127),…
Read MorePROV’L ELECTION SUPERVISOR INAMBUS, UTOL PATAY
BIGONG mapatay ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) subalit hindi nakaligtas sa kamatayan ang kapatid nito sa nangyaring pamamaril at tangkang paglikida kay Sulu Provincial Election Supervisor (PES) Atty. Vidzfar Julie noong Sabado ng umaga. Agad na kinondena ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang pananambang kay Atty. Julie na isinagawa sa Zamboanga City, kasunod ng panawagan sa lahat ng security forces ng gobyerno na gawan kaagad ng kaukulang aksyon ang pagtatangka sa buhay ng isang COMELEC opisyal. Nasa maayos nang kondisyon ang opisyal ng poll body subalit…
Read MoreP30-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT SA 2 WATERCRAFTS
TINATAYANG P30 million ang halaga ng smuggled cigarettes na nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Navy nang masabat ang dalawang watercraft sa dagat sakop ng Digos City, Davao del Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr., tinukoy ang dalawang sea vessel na M/L Er-Far at M/B Qaireen na pinigil ng Phil. Navy BRP Herminigildo Yurong (PG906), na nasa ilalim ng operation control ng Naval Task Force 71 ng Naval Forces Eastern Mindanao. Ang dalawang watercraft ay may lulang…
Read MoreONLINE PERA-PAMIGAY SHOW NI CHAVIT, TUMABO NG 1M VIEWS
PUMALO na sa mahigit 1 milyon ang mga taga-subaybay ng ika-5 episode ng “58 Days ng Milyong-Milyong Papremyo”, ang pinakamataas na tala ng viewership ng online game show ni Manong Luis “Chavit” Singson, isa sa mga senatoriables sa 2025 midterm elections. Nagsimula man sa 226,000 views nitong Disyembre 15 ngayong taon, hindi naman nagpatinag ang “Team Chavit Singson” upang abutin ito na kanila namang itinuturing na bunga ng kanilang pagsisipag. Ayon sa kanyang campaign team, hindi nila inaakala na ang programa na kanilang binuo ay maghahatid pala ng tuloy-tuloy na…
Read MoreHELPER PATAY SA BUGBOG, SUSPEK TIKLO
ARESTADO sa isinagawang “Oplan Pagtugis” ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, ang isang lalaki makaraang mapatay sa bugbog ang kapwa helper na 57-anyos na lalaki sa Gate 12, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling araw. Idineklarang dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Manuel Manalo ng Parola Compound habang natimbog naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na kinilalang si Raffy Cabacang, 37, ng naturang lugar. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang…
Read MoreOMBUDSMAN TININDIGAN PAGSIBAK KAY EX-BFAR CHIEF ESCOTO
PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang kautusan nitong nagtatanggal sa serbisyo kay dating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Demosthenes R. Escoto dahil sa umano’y iregularidad sa paggawad ng P2-bilyong kontrata para sa vessel monitoring system (VMS) project noong 2018. Naunang kinasuhan ng Ombudsman sina Escoto, dating Agriculture Usec. at BFAR National Director Eduardo B. Gongona, at British national na si Simon Tucker. Nahaharap ang tatlo sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act 3019 o “Anti-Graft and Corrupt Practices Act” at tig-isang…
Read MoreBAHAY NG MISSIONARY PASTOR, PINASOK NG AKYAT-BAHAY
CAVITE – Tinatayang umabot sa P152,000 halaga ng gadgets at cash ang natangay ng isang hinihinalang akyat-bahay mula sa bahay ng isang missionary pastor sa Tagaytay City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mario Abelda y Tan, may asawa, residente ng Brgy. Kaybagal North, Tagaytay City. Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na sweatshirt na may hood, itim na maong short, at itim na relo sa kaliwang kamay. Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng umaga nang matuklasan ng biktima ang nawawala nitong gadgets, mga alahas, iba’t ibang…
Read MoreP63-M SHABU NASABAT SA ZAMBIAN NAT’L SA NAIA
TINATAYANG P63 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula sa isang Zambian national sa arrival area ng NAIA Terminal 3. Ayon sa ulat na ibinahagi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, isang matagumpay na anti-illegal drug interdiction operation ang inilunsad ng kanyang mga tauhan sa NAIA Terminal 3, katuwang ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at PDEA at mga elemento ng PNP at NBI, na nagresulta sa pagkakasamsam…
Read More