TULUYAN nang ipinasara ang istruktura na unang ipinatayo bilang POGO Hub sa Island Cove sa Kawit, Cavite matapos itong i-padlock. Siniguro naman nina Secretary of Interior and Local Government (SILG) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco na naipatupad ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipasara lahat ng mga POGO Hub sa Pilipinas, kabilang ang POGO Island Cove sa Kawit, Cavite. Napaalis na rin ang lahat ng mga dating empleyado at mga umuokupa sa loob ng POGO Hub gayundin ang mga kagamitan sa lahat ng…
Read MoreCategory: BALITA
DRIVER ARESTADO SA CARNAPPING
ARESTADO ang isang 39-anyos na delivery driver dahil sa kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping Act) nang matunton sa Raon Street, Barangay 308, Quiapo, Manila noong Lunes ng tanghali. Kinilala ang suspek na si alyas “Ricky”, may asawa, residente ng Calasiao, Pangasinan. Ayon sa ulat ni Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, kay Officer In-charge (OIC) Police Lieutenant Colonel John Guiagui, ng District Intelligence Division (DID-2), bandang alas-12:00 ng tanghali nang madakip ang suspek…
Read MoreP59-M DROGA NASABAT, 498 MOST WANTED NAARESTO NG NCRPO
ITINUTURING ng National Capital Region Police Office na naging daan sa matagumpay na operasyon ng pulisya ang “AAA” program na inilunsad mula nang maupong Acting Regional Director ng NCRPO si PBGen. Anthony A. Aberin noong Oktubre 23. Magugunitang inihayag ni Gen. Aberin na naka-angkla ang kanyang pamumuno sa kanyang “AAA” policy. “A framework which emphasizes that the police force and all its members should be ‘Able, Active and Allied’ police officers.” Naging malaking pagbabago sa kapayapaan at seguridad ang programang AAA kung saan ang konsepto nito ay paglingon sa “back…
Read MoreBAGONG LOAN PROGRAM NG LBP PAMALIT SA 5-6 NA UTANG – NOGRALES
(JOEL O. AMONGO) PINURI ng chair ng House committee on labor and employment ang isang bagong loan program ng Land Bank of the Philippines (LBP) para sa mga pensioner at mga manggagawa ng gobyerno na makatutulong sa oras ng kanilang kagipitan. “Maganda po ang bagong loan program na ito upang may legal na malalapitan ang ating mga kawani ng pamahalaan at pensyonado sa halip na lumapit sa mga nagpapa-5-6,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Kamakailan ay inilunsad ng LANDBANK ang tinawag nilang PeER (Pension and Emergency Relief) Loan…
Read MoreMAKATARUNGANG PRESYO PARA SA MGA PILIPINO
DAHIL sa nalalapit na Kapaskuhan at epekto ng sunod-sunod na bagyo, nagsagawa si Senador Alan Peter Cayetano, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, ng pagdinig kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya nitong December 17, 2024. Tinalakay rito ang mga isyung may kaugnayan sa mga mamimili at ang mga posibleng amyenda sa Consumer Act of the Philippines at Price Act. Upang mas mapangalagaan ang mga mamimili, hinikayat ni Cayetano ang DTI at Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng mga praktikal na…
Read MoreSOLON SA PAGTANGGAL NG SUBSIDIYA SA PHILHEALTH: BAWAL MAGKASAKIT
SA gitna ng kontrobersya sa pagbokya ng mga mambabatas na bahagi ng Bicameral Conference Committee sa 2025 national budget ng subsidiya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), pinayuhan ng isang administration congressman ang taumbayan na huwag magkasakit. “Una, huwag ho kayong magkakasakit. Kahit ho may PhilHealth o wala. Hindi po magandang nagkakasakit,” ani Tingog party-list Rep. Jude Acidre dahil nagpapanic umano ang mga tao lalo na ang mahihirap matapos makumpirma na hindi binigyan ng subsidy ang PhilHealth. Unang inirekomenda ng Department of Budget and Management (DMB) na bigyan ng P74…
Read MoreSAN CARLOS CITY, PANGASINAN TODA BUO SUPORTA SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST
San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Resuello (kanan ni Brian Poe) todo ang suporta sa FPJ Panday Bayanihan Party-list. SA paggunita ng ika-20 taong pagpanaw ni Fernando Poe Jr., naglabas at nilagdaan ang Manifesto ng Pagsuporta ng 86 presidente ng Tricycle Operator and Drivers Federation ng San Carlos City, Pangasinan. Sa harap ni City Mayor Julier ‘Ayoy’ Resuello at ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Party-list na si Brian Poe, binasa ni Saturnino Sanchez, TODA Federation President ang pahayag ng suporta ng lahat ng TODA sa lungsod. “Mahal namin…
Read MoreHabang edukasyon, kalusugan ng Pinoy nganga KONGRESO PALDO SA PONDO SA 2025
(BERNARD TAGUINOD) LUMOBO ng mahigit P50 bilyon ang budget ng dalawang kapulungan ng Kongreso matapos madagdagan ng mahigit pitumpu’t walong bilyon sa bicameral conference committee. Bukod sa Senado at Kamara ay nadagdagan din ang budget ng Commission on Appointments (CA) habang walang dagdag na naibigay sa Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representative Electoral Tribunal (HRET). Base sa Bicam report, nadagdagan ng P17.3 billion ang budget ng Kamara sa susunod na taon kaya magiging P33.6 billion na ito mula sa inirerekomenda na Department of Budget and Management (DBM) na…
Read More2025 NATIONAL BUDGET HITIK SA PORK BARREL
INSULTO sa sambayanang Pilipino ang 2025 national budget na pinuno umano ng Bicameral Conference Committee ng pork barrel. Ganito inilarawan ng mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara ang pinagtibay na pambansang pondo na nagkakahalaga ng P6.352 trilyon sa Bicam na binubuo ng 12 senador at 12 congressmen. “Ang pondo ng bayan ay dapat nakalaan para sa taumbayan, hindi sa pangangampanya ng mga nasa poder! This budget is an insult to the Filipino people who are struggling with skyrocketing prices, low wages, and deteriorating public services,” ani Kabataan party-list Rep.…
Read More