PAGSIBAK KAY HERBOSA AT PAGBALIK NG PHILHEALTH SUBSIDY SIGAW NG LABOR, HEALTH WORKERS

NAGLUNSAD ng malaking kilos protesta ang koalisyon ng labor groups, health workers at medical advocates sa Mendiola, Manila kahapon upang igiit ang pagpapatalsik kay Health Secretary Ted Herbosa at pagbabalik ng PhilHealth subsidy sa ilalim ng 2025 national budget. Nasa 1,000 miyembro ng Nagkakaisang Mamamayan para sa Pangkalusugang Pangkalahatan ang sama-samang nagmartsa sa Morayta patungo sa Mendiola at isinigaw ang pagtanggal na kay Herbosa gayundin ang panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang rekomendasyon ng Kongreso na bigyan ng zero budget ang PhilHealth. “Zero subsidy for PhilHealth but full…

Read More

VBANK INILUNSAD NI MANONG CHAVIT SA QC

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makakapagbago ng landscape ng online financial transactions sa bansa. Pinangunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, Disyembre 15, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue, Quezon City. Kasama ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas. Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaction online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng…

Read More

PHILHEALTH SAGOT NA KALAHATI NG BAYAD SA OSPITAL, BABAWASAN PA PREMIUM

TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na babawasan ang premium contribution rates ng mga miyembro mula 5% patungong 3.25% at palalawakin ang hospital coverage ng hanggang 50% simula sa susunod na buwan, kahit walang natatanggap na subsidiya mula sa gobyerno. Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangakong ito sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Kamara nitong Martes, bilang tugon sa panawagan ng mga mambabatas na mas gamitin ang malaking pondo ng ahensya para direktang makinabang ang mga miyembro. Hiniling ni House Assistant Majority Leader…

Read More

Traders, importers napapayag ng Congress P40 PER KILO RICE IBEBENTA SA NCR NGAYONG DISYEMBRE

MISMONG rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo. Ayon kay House Deputy Majority leader Erwin Tulfo, “ito ang ang ipinangako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Balagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila”. Ayon kay G. Marquez, “pwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga…

Read More

Pahayag ng PhilHealth sa Akusasyong Labis na Budget para sa Christmas Party

Ito ay paglilinaw sa malisyosong akusasyon ni Dr. Tony Leachon sa kanyang social media account tungkol sa diumano’y labis na budget ng PhilHealth para sa Christmas party. Nais naming linawin na ang PhilHealth ay lubos na sumusunod sa direktiba ng Malacañang na gawing simple ang selebrasyon ng ahensya ngayong Pasko. Katunayan ay naglabas kami ng Management Advisory No. 2024-003 “Panawagan para sa simpleng pagdiriwang ng Pasko,” noong Nobyembre 25, 2024 na nag-utos sa lahat ng tanggapan kabilang ang mga regional office na magtipid sa pagsasagawa ng naturang aktibidad. Kinansela ang…

Read More

Pondo ng DPWH ‘di pwedeng mataas sa DepEd 2025 NATIONAL BUDGET MAY ILEGAL?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) POSIBLENG may paglabag sa Konstitusyon ang ipinasang 2025 budget ng Kongreso para sa Department of Education (DepEd). Pahayag ito ni Senador Migz Zubiri dahil sa ilalim aniya ng Konstitusyon ay education sector ang dapat na may pinakamalaking pondo sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA) pero Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang binigyan ng pinakamataas na budget sa susunod na taon. Sa ilalim ng 2025 national budget, ang DPWH ay may alokasyon na P1.1 trillion habang ang DepEd ay aabot lamang sa…

Read More

Matapos mabuking sa Senado NON-PRO DRIVERS BIGLANG TINANGGAL NG ANGKAS

NANAWAGAN sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ilang motorcycle taxi riders na kamakailan ay tinanggal mula sa Angkas dahil hindi sila naka-professional na lisensya. Ayon sa mga inalis na rider, tinanggal sila isang araw matapos ang pagdinig sa Senado kung saan ipinahayag ni Senador Raffy Tulfo at ng ilang mambabatas ang kanilang pangamba na may mga driver na walang professional license na nakakapag-operate sa ilalim ng Angkas. Ibinahagi ni Achillis Librinca, isa sa mga natanggal na rider, ang kanyang karanasan. Aniya, tinanggap ng Angkas ang kanyang non-professional…

Read More

DQ NG BULACAN CONGRESSIONAL BET PINAGTIBAY NG COMELEC EN BANC

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa kawalan ng merito ang motion for reconsideration (MR) ng congressional aspirant sa Bulacan na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng Comelec Second Division na nagdedeklara sa respondent bilang isang “nuisance” candidate. Sa anim na pahinang desisyon, sinabi ng Comelec en banc na wala itong nakitang valid at legal na batayan para pagbigyan ang MR ng respondent na si Jad T. Racal na kandidato sa ika-anim na Distrito ng Bulacan, alinsunod sa Comelec Rules of Procedure. “The arguments raised by respondent in…

Read More

UNIFIED ID SYSTEM GAGAMITIN VS FAKE PWD IDs

NAG-JOIN na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kampanya ng gobyerno laban sa paglaganap ng pekeng identification cards (IDs) ng persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng paglikha ng isang ‘unified ID system’ na maaaring gamitin ng business establishments para sa real-time updating at ID verification. Ang paggamit ng unified ID system na gagamitan ng web-based portal ay kabilang sa mga resolusyon na tinalakay sa roundtable discussion kasama ang mga stakeholder na pinangunahan ni Secretary Rex Gatchalian sa DSWD Central Office sa Quezon City noong Disyembre 11.…

Read More