PATULOY ang masusing imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa nangyaring sunog sa Navotas City na ikinamatay ng lima katao noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng Navotas City Public Information Office, dakong alas-7:02 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy. San Roque ng nasabing lungsod. Kaagad itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog na idineklarang under control dakong alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula…
Read MoreCategory: BALITA
SAN RAFAEL, BULACAN NASUNGKIT WORLD RECORD SA GUINNESS!
KABILANG na ang bayan ng San Rafael, Bulacan sa Guinness Book of World Records matapos itanghal bilang bagong “Largest Gathering of People Dressed as Angels” sa isinagawang “Guinness World Records Attempt” sa Victory Coliseum, San Rafael, Bulacan Municipal Compound noong Sabado, Disyembre 14. Ang mithiing makamit ang inaasam na world record, ayon kay Mayor Cholo Violago, ay limang buwang pinaghandaan ng Pamahalaang Lokal ng San Rafael kung kaya’t lubos ang pasasalamat nito sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa nasabing record attempt. Base sa opisyal na talaan, nakapag-record ang Guinness…
Read MorePAALALA SA OFWs: BALIKBAYAN BOXES MAAGANG IPADALA
NAG-ABISO ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko lalo sa Overseas Filipino Workers, na planuhin nang maaga ang pagpapadala ng balikbayan boxes lalo na ngayong Christmas season. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, mas mabuting ipadala nang maaga ang mga balikbayan box para masigurong matatanggap agad ng kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang mga regalo o ipinadalang gamit sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas. Paalala ni Santiago, inaasahan ang mataas na volume o rami ng mga ipinadadala ngayong holiday season kaya mahalagang ipadala ito nang maaga…
Read MoreNPA LEADER PATAY SA SAMAR ENCOUNTER
PATAY ang isang mataas na opisyal ng communist New People’s Army nang makasagupa ang mga elemento ng 46th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division Philippine, Army sa Catbalogan City, sa Samar. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, nasabat ng kanilang mga tauhan ang isang pulutong ng CPP-NPA sa Barangay Cawayan nitong nakalipas na linggo na tumagal ng kulang kalahating oras bago nagpasyang tumakas ang mga kasapi ng CTGs at iniwan na lamang ang napaslang na lider. Kinilala ang napaslang na NPA…
Read MorePatutsada sa gimik ng Kongreso TAMANG PASAHOD HINDI AKAP PARA SA MGA OBRERO
DAGDAG na sahod ang kailangan ng mga manggagawang Pinoy, hindi ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Ito ang iginiit ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares dahil hindi inalis sa 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagkakahalaga ng P6.352 trillion na nakatakdang lagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Ang AKAP ay pansamantalang solusyon lamang na malamang ay gagamitin pa para sa pamumulitika. Sa halip na magbigay ng P3,000 hanggang P5,000 na one-time ayuda, dapat ay itaas ang sahod ng mga manggagawa sa nakabubuhay na…
Read MoreP138-M gastos sa anibersaryo kinastigo PHILHEALTH GARAPAL
KINASTIGO hindi lang ng mga health advocate ang guguguling P138 million para sa anibersaryo ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth). Hindi lang inilarawan ang selebrasyon bilang magarbo kundi garapal din ito ayon naman sa mga netizen. “Grabeng kagarapal na yan ah! Sinong mga attendees niyan? Perang galing sa buwis ng mga ordinaryong mamamayan yan ah!,” ayon sa X user na si Jace. Sa Kamara, isang mambabatas ang nagpahayag na dapat pigilan ang maluhong selebrasyon ng ahensya sa Pebrero 2025. Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, hindi makatarungan…
Read MorePAROL FESTIVAL IDINAOS SA LAS PIÑAS
IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Las Piñas ang 19th Las Piñas Parol Festival at 15th Street Dance Competition, sa pangunguna ng Villar Foundation. Ang taunang pagdiriwang, na nagbibigay-galang sa ikatlong henerasyon ng “Magpaparol ng Las Piñas,” ay ginanap sa Villar Foundation Courtyard noong Huwebes, Disyembre 12, na nagbuklod sa komunidad sa isang pagdiriwang ng tradisyon at kultura. Ang taunang “Parol Festival,” kung saan ipinapakita ng mga magpaparol ang kanilang pinakamahusay na mga parol na gawa mula sa mga recycled na materyales, ay naging isang makulay na tradisyon na nagpapakita ng pagiging…
Read More1,322 RECIPIENT NG CONFI FUND NG OVP PEKE RIN
MAHIGIT isang libong recipient o nabigyan umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) na nagkakahalaga ang kalahating bilyong piso ay walang record sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ang report ng PSA sa Kamara noong December 11, matapos atasan ng House committee on good government and public accountability na beripikahin ang 1,992 indibidwal na lumagda ng acknowledgement receipt (AR) na patunay na nakatanggap ang mga ito ng confidential funds sa OVP. Base sa PSA report, kahapon lamang inilabas ng komite, 1,322 sa 1,992 ay walang makitang…
Read MoreREVISED IRR NG REVISED PENAL CODE, NILAGDAAN
NILAGDAAN ng Departments of Justice at Interior and Local Government noong Biyernes ng hapon ang 2024 revised implementing rules and regulations ng Republic Act 10592, na karaniwang kilala bilang Revised Penal Code, na magbibigay daan sa mga bilanggo na hinatulan sa heinous crime para makinabang sa good conduct time allowance (GCTA). Ang ceremonial signing, na ginanap sa bagong conference room ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, ay dinaluhan nina Justice Undersecretaries Deo Marco at Raul Vasquez, na kinatawan ni Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla, gayundin ni Interior and Local…
Read More