NAGTATRABAHO kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang isa sa mga naghain ng kaso laban kay Marikina Mayor Marcy Teodoro sa Commission on Elections (Comelec). Batay sa record ng Comelec, si Leighrich James Estanislao ang unang nagsampa ng kaso laban kay Teodoro sa Comelec, bago sumunod sina Senador Koko Pimentel, Katrina Marco, Angelu Estanislao at Ma. Luisa de Guzman. Sa pagsasaliksik sa social media, natuklasan na si Estanislao ay aktibong nagtatrabaho sa kampo ng mga Quimbo sa iba’t ibang kapasidad. Siya ang tumatayong direktor ng mga video ukol sa…
Read MoreCategory: BALITA
ROMUALDEZ NAKATUTOK SA QUINTA COMM HEARING HINGGIL SA PRESYO NG PAGKAIN
LINGID sa kaalaman ng karamihan, nakatutok si Speaker Martin Romualdez sa bawat hearing ng Quinta Committee hinggil sa mataas na presyo ng mga pagkain ngayon. Ayon kay House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo, “Every hearing bini-brief namin si Speaker Romualdez hinggil sa status at development ng hearing”. “Siya naman kasi ang nag-utos na buuin ang Quinta Committee para maimbestigahan kung may cartel o sindikato na nagmamanipula ng presyo ng pagkain lalo na ang bigas,” ani Cong. Tulfo. Lumabas sa dalawang pagdinig na ng pinagsamang limang komite, ng ways and…
Read MoreTURISMO SUPORTADO NG BARMM
MASAYANG tinanggap ng TURISMO Party-list ang buong suporta ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagtataguyod ng sustainable tourism sa rehiyon. Sa isinagawang pagpupulong noong Miyerkoles, Disyembre 11, 2024, mainit na tinanggap ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim si TURISMO Party-list Nominee Wanda Tulfo at tinalakay ang mga paraan para mapaunlad ang industriya ng turismo sa BARMM. Pinalalakas ng BARMM ang mga lugar ng turismo, mula sa mga malinis na dalampasigan sa Basilan at Tawi-tawi hanggang sa mga nakamamanghang lawa at talon ng Lanao del Sur at ang…
Read More60 PAMILYA NAWALAN NG TIRAHAN SA SUNOG SA TONDO
UMABOT sa 60 pamilya o 180 indibidwal ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Interior 5, Barangay 218, Zone 20, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali na yari sa light materials, at pagmamay-ari ng isang Nancy Santiago at inuukupahan ni Anching Martinez. Ayon kay Senior Supt. Bañaga, ang sunog ay tumagal ng hanggang alas-7:41 ng gabi at idineklarang 1st alarm ngunit umabot ng ikatlong alarma hanggang sa tuluyang naapula. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BJMP), tinatayang…
Read MoreIKA-8 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE IGINAWAD SA BULACAN
SA ika-walong pagkakataon, muling ginawaran ng prestihiyosong pagkilala ang lalawigan ng Bulacan ng Seal of Good Local Governance ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Binigyang-diin ang dedikasyon ng lalawigan sa kahusayan at mabuting pamamahala ni Gobernador Daniel R. Fernando kung kaya’t iginawad ang nasabing award sa ginanap na “Pamaskong Pagdiriwang sa Ulat sa Lalawigan 2024” sa Bulacan Capitol Gymnasium noong Miyerkoles, Disyembre 11. Sa pangunguna nina Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro, tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang prestihiyosong parangal noong Martes, Disyembre 10, sa…
Read MoreGINANG PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO SA QUEZON
QUEZON – Patay ang isang ginang sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Manggalang 1, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Kinilala ng Sariaya Police ang biktimang si Connie Perez Sanota, 43 -anyos, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng Sariaya PNP, bandang alas-8:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ngunit habang binabaybay ang barangay road ay nakasagian nito ang kasalubong na nakamotorsiklo na minamaneho ni Nick Enriquez De Guzman, 30-anyos, residente rin ng nasabing barangay. Natumba ang motorsiklo ni Sanota at tumama…
Read MoreUP STUDENT NANGUNA SA 2024 BAR EXAMS
MULA sa University of the Philippines ang topnotcher sa 2024 Bar examinations. Ang College of Law graduate na si Kyle Christian Tutor ang nanguna sa pagsusulit, anunsyo ng Supreme Court (SC) nitong Biyernes. Ayon kay SC Associate Justice Mario Lopez, Bar 2024 chairperson, nakakuha si Tutor ng score na 85.77 percent. Nakasaad sa kanyang LinkedIn profile, pumasok si Tutor sa UP Law noong 2019, dalawang taon matapos niyang makuha ang kanyang bachelor’s degree sa Political Science mula sa parehong unibersidad. Habang nasa UP Law, nagsilbi siya bilang vice chair ng…
Read MoreMUNTINLUPA LUMAGDA NG MOA KASAMA SI ALYSSA VALDEZ PARA SA GRASSROOTS VOLLEYBALL PROGRAM
Kinamayan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon si volleyball icon Alyssa Valdez kasama sina Atty. Jojay Alcaraz (kaliwa) ng 1 Munti at Ms Jem Lim (kanan) matapos lumagda sa Memorandum of Agreement na ginanap sa Bellevue Hotel, Muntinlupa City. (Danny Bacolod) PORMAL na nilagdaan nitong Biyernes, December 13, nina Mayor Ruffy Biazon at volleyball icon Alyssa Valdez ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at AV360. Layunin ng proyektong ito na maglunsad ng isang grassroots volleyball program na magbibigay ng dekalidad na volleyball training camp para…
Read MoreSigaw ng mga taga-Marikina: SOLID MARCY PA RIN KAMI!
NAGPAHAYAG ng todong suporta sa social media ang mga taga-Marikina kay Mayor Marcy Teodoro, kasabay ng panawagan sa kanya na ituloy lang ang laban para sa katotohanan at mga residente ng siyudad. “Tuloy lang po ang laban. Kasama nyo kaming lahat sa anumang laban na inyong tatahakin nandito po kami para sa inyo,” wika ng isang residente. “Laban lang po tayo Cong Maan Teodoro at Mayor Marcy Teodoro andito kami para sa inyo,” komento naman ng isa pa. Tiwala sila na hindi magtatagumpay ang mga personalidad sa likod ng paninira…
Read More