PINAS MAY SAPAT NA HIRINGGILYA

TINIYAK ng mga awtoridad na may sapat na suplay ng syringe o hiringgilya ang bansa para sa tuloy- tuloy na vaccination effort ng gobyerno. Ito ang inihayag ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing sa harap ng gagawing pagtuturok ng booster shot sa iba pang priority sector simula sa Disyembre 10. Maliban aniya ito sa suplay ng syringe ng Pfizer kung saan sila nagkaroon ng problema. Inaasahan naman ang magkakasunod na delivery ng hiringgilya simula Disyembre 2 para sa Pfizer mula sa UNICEF. “For the Pfizer syringe,…

Read More

CALOOCAN RESIDENTS 90% NANG BAKUNADO

UMABOT sa 1,077,453 o mahigit 89% ng kabuuang target na 1.2 milyong populasyon ng Caloocan City, ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccine, ayon sa huling datos ng City Health Department. Para naman sa mga fully vaccinated o nabakunahan na ng kanilang second dose, nasa 76.62% na ang lungsod. Sa pagbabakuna naman sa general pediatric population o mga kabataang edad 12-17, nasa 93,450 o 52.41% na ng target na mabakunahan ang nakatanggap na ng kanilang first dose. Samantala, hindi bababa sa 14,370 naman na kabilang sa medical workers…

Read More

Kapag tagumpay ang 3-day Nat’l Vax campaign MANDATORY VAX ‘DI NA KAILANGAN

TATAPUSIN muna ng pamahalaan ang three-day nationwide vaccination drive bago magdesisyon kung ikakasa ang mandatory COVID-19 vaccinations sa bansa. Ito ay dahil maaaring hindi na ikonsidera ang naturang plano sa sandaling makitaan ng magandang bilang ng mga nagpabakuna ang ikinasang kampanya. “We still continue to discuss that (mandatory COVID-19 vaccinations) inside the [Inter-Agency Task Force],” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. Gayunman, ang bagong Omicron coronavirus variant ay panibagong factor na maaaring makapag-impluwensiya sa nasabing desisyon. “So, at the end of the day, as President Rodrigo…

Read More

DAILY WALK-IN SA VACCINATION DEPENDE SA LGUs

DEPENDE na sa Local Government Units (LGUs) kung papayag itong gawin ang daily walk-in vaccination kahit tapos na ang 3-day National Vaccination day. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang mga LGU naman ang nasa ground kaya’t ang mga ito ang nakaaalam kung ano ang dapat ipatupad. Mataas na rin naman aniya ang vaccine supply ng bansa kaya’t kakayanin din na mas buksan pa ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang programa para sa pagbabakuna. Sa ikinasang Bayanihan, Bakunahan ay pinapayagan ang walk in base…

Read More

PINAS KULELAT PA RIN SA COVID RESILIENCE RANKING

KULELAT pa rin sa ikatlong sunod na buwan ang Pilipinas sa pandemic resilience ng Bloomberg COVID-19 Resilience Ranking. Binigyang katwiran naman ito ng Malakanyang at tinukoy ang kakulangan sa country-specific gauge at matinding kahalagahan ng reopening progress na dahilan kung bakit itinuturing na “worst” o kulelat ang bansa. Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang COVID Resilience Ranking ng Bloomberg para sa buwan ng Nobyembre, na nagpapakita na ang Pilipinas ay napag-iiwanan sa 53 bansa sa resilience score na 43.1. Ang indicators na ginamit ng Bloomberg…

Read More

PALASYO NAKATUON SA MANDATORY VACCINATION

MAAARING katigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Inter-Agency Task Force kung magdedesisyon itong gawing mandatory ang COVID-19 vaccination sa bansa sa gitna ng banta ng Omicron COVID-19 variant. “As a worker of government also in charge of the overall operations of the government, I may agree with the task force [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] if they decide to make it mandatory,” ayon kay Pangulong Duterte. “It’s actually to protect public health… In some countries mandatory na, dito maingay ang human rights. Now, kung…

Read More

Publiko binigyang pag-asa sa banta ng Omicron variant MALALAMPASAN DIN NATIN ‘TO – BBM

PINALAKAS ni Presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang loob ng mga Pilipino sa gitna ng banta ng panibagong variant ng COVID-19. Bagaman hindi aniya dapat mag-panic ang publiko, kailangan gumawa ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant. Sinabi ni Marcos, pambato ng Partido Federal ng Pilipinas, na kailangang mas paigtingin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng health protocols at bilisan ang pagbabakuna upang agad makamit ang herd immunity. Naniniwala ang dating senador na malalagpasan din ng bansa ang bagong Omicron variant. “Don’t be disheartened. We have been there.…

Read More

HIGIT 2.5M PINOY NABAKUNAHAN Sa unang araw ng Nat’l Vax drive

SUMIPA sa mahigit 2.5 million katao ang nabakunahan sa pag-arangkada ng 3-day National Vaccination Drive. Sa talaan ng National Vaccination Operation Center (NVOC), may 2,554,023 ang nabakunahan sa unang araw ng bakunahan nitong Lunes. Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson Usec. Myrna Cabotaje na ang nasabing datos ay 2.5 beses na mas mataas sa weekly average. Ito rin ang ikalimang highest vaccination sa loob ng isang araw sa buong mundo, kasunod ng China na nakapagtala ng 22 million a day, sa US na 3.48 million at…

Read More

LOCAL RESPONSE VS COVID-19 PINALALAKAS

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa COVID-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGUs na palakasin pa ang kanilang mga paghahanda at pagsasagawa ng clustering ng mga kaso ng virus. Mahalaga rin aniyang mas mapalawak pa ng mga ito ang kanilang active case finding sa pamamagitan ng pagsasagawa ng agarang contact tracing…

Read More