Hirit sa IATF 5-7 DAYS QUARANTINE SA VACCINATED TRAVELERS

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) na iklian ang quarantine period para sa incoming travelers na bakunado laban sa COVID-19. Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isinasapinal na nila ang plano na paikliin ang quarantine period ng lima hanggang pitong araw. “‘Yong iba earlier during this thing COVID came in, they were talking about the incubation period of about seven days lang… I may be wrong, I may have misheard pero kung totoo ‘yan eh 7 days na lang para kasi pagpasok niyan, it…

Read More

Babala sa publiko ‘WAG PAKAMPANTE SA COVID-19

BINALAAN ni ACT-CIS nominee Edvic Yap ang publiko na huwag maging kampante at sa halip ay patuloy na maging maingat kahit pa tuloy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon. Sinabi ni Yap, “mas mainam na maging maingat tayo ngayon para iwas sa biglang paglobo na naman ng virus sa ating bayan.” “Pero I believe we have learned our lesson at experience na rin kung papaano at ano ang dapat gawin para makaiwas sa COVID,” ayon pa kay Yap. “Pag tumaas kasi ang hawaan, mapupuwersa ang gobyerno…

Read More

‘Di pa panahon sa booster shots – Malakanyang ‘WAG GAHAMAN SA BAKUNA

SINAWAY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipino sa pagkuha ng mahigit sa dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Sa kanyang Talk to the People, Huwebes ng gabi, sinabi ito ng pangulo sa kabila ng hindi pa nagdedesisyon ang Department of Health (DOH) ukol sa booster shots laban sa COVID-19. “Check out the vaccinations being done daily at baka magsali ka na doon sa second shot. Tama na yang dalawang doses. Huwag ninyo sobrahan, delikado,” paalala ng pangulo. Aniya, ang pagkuha ng third at fourth shots ng bakuna ay isang…

Read More

ALERT LEVEL SYSTEM SA NCR EXTENDED

NAGDESISYON ang Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang pilot implementation ng Alert Level System sa National Capital Region (NCR) hanggang Oktubre 15, 2021. Sa pagpupulong ng IATF nitong Huwebes, inaprubahan din nito ang rekomendasyon na i-expand ng karagdagang 10% ang “allowable indoor capacities” ng dine-in services, in-person religious services, at personal care services sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 4 para lamang sa fully vaccinated individuals. Sa kapareho pa ring pulong, inaprubahan ng IATF ang muling pagbubukas ng fitness studios at gyms sa limitadong 20% capacity…

Read More

ACCURATE COVID-19 DATA APELA NG MMDA

NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos sa health authorities, na siguraduhing tama ang inilalabas na datos hinggil sa bilang ng COVID-19 cases. Ani Abalos, dito kasi sasandal ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR), bago magbigay ng rekomendasyon kung ibababa na ang alert level sa October. Aniya, masasayang ang pinagpaguran sa mga nakalipas na quarantine restrictions kung hindi accurate ang datos. Bukod pa sa nakapanghihinayang din ang mas maraming economic activity na mabubuksan kung handa na ang Metro Manila na mag-downgrade ng alert level. Sa…

Read More

A1 -A3 GROUP PRAYORIDAD PA RIN SA PAGBABAKUNA

HINDI aalisin ang ibinibigay na prayoridad ng gobyerno para sa mga nasa A1 hanggang A3 group kapag nagsimula na ang pagtuturok ng bakuna sa general public. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi mawawala ang priority para sa health workers, mga senior at para sa mga may comorbidities. Mananatili aniya ang pagkakaroon ng express lane para sa tatlong nabanggit na priority group. “Iyong mga A1, A2, A3 hindi naman po mawawala ang kanilang priority,” ayon kay Sec. Roque. Inaprubahan na rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabakuna sa mga…

Read More

10 POSITIBO SA ANTIPOLO MENTAL HEALTH FACILITY

ANTIPOLO CITY, Rizal – Kinailangang isailalim sa mahigpit na granular lockdown ang isang pribadong mental health facility makaraang magpositibo sa nakamamatay na COVID-19 ang 10 sa 31 empleyado nito. Sa anunsyong ipinaskil sa social media, mananatiling sarado sa loob ng dalawang linggo ang Villa Herzon Mental Health Center sa M. Santos St., Barangay San Roque kung saan nagkahawaan ang mga empleyado nito. Sa 31 kataong isinailalim sa RT-PCR test, 10 ang lumabas na positibo – dahilan para agad na isarado ang nasabing pasilidad. Kasabay nito, agad din pinakilos ang mga…

Read More

PAGBABA NG ALERT LEVEL SA NCR HINDI PA TIYAK

WALA pang nakikitang data ang mga awtoridad para suportahan ang panawagan na ibaba ang Metro Manila sa COVID-19 Alert Level 3 ngayong linggo. Sa kasalukuyan, ang National Capital Region ay nasa ilalim ng alert level 4 hanggang Huwebes. “Sa ngayon po, wala pang datos na nagpapakita na pupuwedeng bumaba [ang alert level]. Pero pupuwede naman itong magbago,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Noong nakaraang linggo, ang Kalakhang Maynila ay nakapag-ulat ng average na 4,347 coronavirus infections para sa isang araw, bumaba mula sa peak o rurok na 5,714 daily…

Read More

METRO MANILA MAAARING IBABA SA ALERT LEVEL 3 SA OKTUBRE

MAAARING lumuwag ang quarantine status sa Kalakhang Maynila matapos ang pilot implementation ng Alert Level 4 kapag ang indikasyon ng COVID-19 ay nagpakita ng “improvement”. Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na magiging mas maayos ang sitwasyon sa Kalakhang Maynila sa pangalawang linggo ng implementasyon ng Alert Level 4, na nakatakdang matapos sa Setyembre 30. Ang 5-tier new virus response strategy ay ikinasa sa virus hotspot capital region at sinamahan pa ng granular lockdowns sa infection clusters, sa halip na i-lockdown ang buong lungsod o mga…

Read More