ACCURATE COVID-19 DATA APELA NG MMDA

NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos sa health authorities, na siguraduhing tama ang inilalabas na datos hinggil sa bilang ng COVID-19 cases.

Ani Abalos, dito kasi sasandal ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR), bago magbigay ng rekomendasyon kung ibababa na ang alert level sa October.

Aniya, masasayang ang pinagpaguran sa mga nakalipas na quarantine restrictions kung hindi accurate ang datos.

Bukod pa sa nakapanghihinayang din ang mas maraming economic activity na mabubuksan kung handa na ang Metro Manila na mag-downgrade ng alert level.

Sa kabilang dako, walang problema sa ahensya sakaling palawigin ang Alert Level 4 sa NCR.

Sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na bukod sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases ay kailangang humupa rin ang hospital care utilization rate. (CHRISTIAN DALE)

156

Related posts

Leave a Comment