PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang aniya’y mistulang pagwawalang-bahala ng mga opisyal ng Department of Energy (DOE) na maiwasan ang pagkakaroon ng rotational brownout sa darating na eleksyon kahit batid ng mga ito ang posibilidad ng manipis na suplay kung kailan isasagawa ng 60 milyong Pilipino ang pagboto ng mga bagong liderato sa lokal at pambansang antas. “This is unacceptable! Kaya tayo merong DOE ay para siguraduhing meron tayong kuryente mula umaga hanggang gabi. Isa lang ang trabaho ng DOE, yan ay siguraduhin na may kuryente tayo. So, it’s unacceptable…
Read MoreCategory: COVID-19
CONSUMERS ‘WAG GIPITIN SA PANAHON NG ECQ
HINILING ni Sen. Grace Poe sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hikayatin ang mga bangko na magbigay ng kaluwagan sa kanilang mga konsyumer habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ). “Pinababa na ng BSP ang interest rates at nagbigay na sa mga bangko ng regulatory relief. Kaya rin nitong hikayatin ang mga bangko na magbigay ng kaluwagan sa kanilang mga kliyente sa panahon ng kagipitan,” sabi ni Poe. Sa pagsusuri ng International Monetary Fund sa ekonomiya ng Pilipinas na inilabas nitong nagdaang linggo, nakitang hindi masyadong tumaas ang ‘bad…
Read MoreOFWs PINABIBIGYAN NG VACCINATION PASS
INIHIRIT ni Senador Imee Marcos sa pamahalaan na huwag nang patagalin pa ang pagbibigay ng mga vaccination pass sa overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan nito para makapagtrabaho sa ibang bansa. Ani Marcos, kayang simulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-isyu ng mga vaccination pass kung bigyan ng prayoridad ang mga OFW, imbes na hintayin pa ang mga LGU (local government units) na maayos ang mga backlog nito sa pagpapadala ng datos ukol sa pagbabakuna ng lahat ng kanilang mga nasasakupan. “Ang mas madiskarteng target…
Read MoreHirit ni Gatchalian CENTRALIZED DATABASE SA MGA BAKUNADO
IMINUNGKAHI ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng centralized database system para sa lahat ng mga nabakunahan upang mapaigting ang pag-monitor sa mga ito pati na rin ang mga hindi pa nakatatanggap ng bakuna at maiwasan ang mga magtatangkang makakuha ng booster shot sa panahong marami pa ang hindi nababakunahan. Suhestiyon ni Gatchalian, dapat isama sa listahan ang mga nakatanggap ng bakuna mula sa pribadong sektor o mga bakunang binili at ibinigay ng mga pribadong kumpanya sa kanilang mga empleyado. “Dapat matagal na itong centralized database dahil dito natin makikita…
Read More‘VACCINE HOPPERS’ TUTUGISIN NG IATF
MANANAGOT sa batas ang mga taong magpapabakuna nang labis. Babala ito ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. matapos mahuli ang ilang indibidwal dahil sa pagpapaturok ng ikatlong shots ng COVID-19 vaccine sa kabila na nakakumpleto na ang mga ito ng kanilang 2nd shots. Sinabi ni Galvez, na ang vaccine hopping ay ilegal habang ang vaccine hoppers ay itinuturing na immoral. “Lahat ng bakuna ay itinuturing nating ginto at hindi basta-bastang sinasayang dahil ang gusto natin ay lahat ng Filipino ay mabakunahan,”…
Read MoreMungkahi ni Defensor sa pamahalaan HIGH-RISK KIDS UNANG BAKUNAHAN
(BERNARD TAGUINOD) DAPAT nang maghanda ang gobyerno para masimulan ang mass vaccination sa high-risk kids na edad 12 hanggang 15 pagsapit ng Oktubre kasabay ng matatanda. Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang nasabing panawagan lalo na kapag natiyak ang mas malaking supply ng COVID-19 vaccines sa bansa sa mga susunod na buwan. “Assuming the National Task Force Against COVID-19 succeeds in negotiating with foreign manufacturers the delivery of 25 million doses per month, we should start immunizing vulnerable children in the 12 to 15 age group by October,…
Read MoreDELTA VARIANT NAKAPASOK NA SA NORTH COTABATO?
MLANG, NORTH COTABATO – Posible umanong nakapasok na ang COVID-19 Delta Variant sa bayan ng Mlang sa lalawigang ito dahil agresibo at hindi ordinaryo ang naitatalang mga kaso ng nasabing sakit kamakailan at ang pagtaas ng bilang ng severe patients. Ayon kay M’lang Municipal Health Officer Dr. Jun Sotea, kahit hindi pa kumpirmado may Delta variant sa bayan ay kailangan nilang maging proactive at advance sa mga hakbangin nila katulad ng mass testing upang mas maagang masuri kung sino ang mga positibo sa virus at nang maiwasan ang COVID-19 surge.…
Read MorePubliko binalaan sa pagpapaturok ng 3rd dose ng Covid vaccine ‘BOOSTER SHOT’ ILLEGAL
UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine. Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng COVID-19 vaccine na tinatawag na “booster”. Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad sa kapwa na hindi pa bakunado kahit isang beses pa lang. “Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin yung first dose at…
Read MoreLAGUNA BALIK MECQ
LAGUNA – Bago pa man matapos ang itinakdang Enhanced community Quarantine classification sa lalawigan, inaprubahan na ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang pagluluwag ng lalawigan na isasailalim na lamang sa Modified ECQ simula Agosto 16 hanggang sa katapusan ng buwan. Mananatili naman sa MECQ ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal at Lucena City habang nasa General Community Quarantine with heightened restrictions naman ang ipatutupad sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon. Samantala, nakapagtala ang Department of Health 4-A ng 2,268 panibagong kaso ng Covid-19 habang nasa 17,537 ang aktibong kaso…
Read More