COVID-19 vaccines ‘di raw epektibo DATING DOKTOR KINONDENA NG DOH

KINONDENA ng Department of Health (DOH) ang isang retiradong doctor dahil sa pahayag na hindi epektibo bagkus ay mas mapanganib pa ang itinuturok na COVID-19 vaccines kaysa mismong virus. “The DOH condemns health professionals who have been spreading false information regarding life-saving interventions such as COVID-19 vaccines,” pahayag ng DOH. Ayon kay Dr. Romeo Quijano, retiradong miyembro ng University of the Philippines-College of Medicine, matagal na niyang pinag-aaralan ang ginagamit na mga bakuna kontra COVID-19. “Matagal ko nang pinag-aaralan ‘tong mga bakuna na ito, mas delikado iyang mga bakuna na…

Read More

Active cases lagpas 4K 22 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

UMABOT sa 22 ang namatay dahil sa sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod, habang umakyat na sa 4,044 ang active COVID cases. Umabot sa 13 ang namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng 72 oras, habang 351 ang nadagdag sa active cases sa Caloocan City. Ayon sa Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa 1,151 total deaths noong 5 pm ng Agosto 9, umakyat sa 1,164 ang COVID death toll sa lungsod noong 5…

Read More

RIZAL LGUs UMAARAY SA KAPOS NA BAKUNA

NANAWAGAN ang mga lokal pamahalaan ng mga bayan ng Taytay, Angono at Binangonan sa Department of Health para sa karagdagang bakuna dahil malayo anila sa aktuwal na bilang ng mga naka-iskedyul ang dumarating na suplay. Ito din anila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay maliit na bahagi pa lamang ng kanilang populasyon ang bakunado. Sa pinag-isang pahayag, hiniling nina Mayor Joric Gacula ng Taytay, Jeri Mae Calderon ng Angono at Cesar Ynares ng Binangonan sa DOH ay pagbatayan ang social acceptability ng mga LGUs sa pamamahagi ng suplay para…

Read More

ECQ EXTENSION SA ILANG LUGAR ‘DI PA NADEDESISYUNAN

SINABI ni Presidential spokesperson Harry Roque na hinihintay pa nila ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung palalawigin o hindi ang ECQ sa Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City. Hanggang sa darating na Linggo, Agosto 15 na lamang kasi nakataas ang ECQ sa mga nasabing lugar. “Well, unang-una po ‘no, mayroon na pong rekomendasyon ang inyong IATF kay Presidente, inaantay na lang po natin ang approval ng ating presidente ‘no pagdating doon sa mga lugar na mapapaso na po iyong ECQ nila. So bago po dumating…

Read More

BULTO NG PFIZER VAX ILALAAN SA ‘HIGH RISK’

INIULAT ng National Task Force Against COVID-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa nitong Miyerkoles ay inilaan sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”. Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating via Air Hong Kong flight LD456 dakong alas-8:30 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay. Ang nasabing delivery ay itinuturing na “biggest shipment” ng Pfizer vaccine sa ngayon, sa bansa. Sinabi ni NTF Against COVID-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na ang bakuna…

Read More

Phl consulate sa HK pinakikilos OFWs DUSA SA VAX CARDS

NAGDURUSA ang maraming overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Hong Kong habang naghihintay sa hakbang ng gobyerno kaugnay sa kanilang vaccination cards hindi tanggap sa nasabing bansa. Dahil dito, pinakikilos ni House assistant majority leader Nina Taduran ang Philippine Consulate sa Hong Kong na ipaliwanag sa Hong Kong Special Administrative Region ang isyu sa vaccination card ng OFWs. Ginawa ni Taduran ang nasabing kautusan matapos hindi kilalanin ng Hong Kong ang vaccination card ng OFWs na nagpapatunay na nabakunahan na ang mga ito. “It should be clarified if the international…

Read More

5 DAGDAG SA COVID DEATHS SA NAVOTAS, MALABON

TATLONG COVID patients ang binawian sa Navotas City, habang dalawa naman ang namatay sa pandemya sa Malabon City, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Hanggang 11:59 pm noong Agosto 10, umakyat na sa 398 ang COVID death toll sa Navotas, habang 975 ang active cases, makaraang 43 ang naitalang bagong kaso at 43 ang gumaling. Pumalo na sa 12,408 ang mga tinamaan ng COVID sa fishing capital, at sa nasabing bilang ay 11,035 na ang gumaling. Pumanhik naman sa 493 ang pandemic fatalities ng Malabon noong…

Read More

Dahil sa lulang 28 COVID-19 positive BARKO ITINATABOY NG MGA RESIDENTE

BATANGAS – Lubhang nababahala ang mga residente ng Barangay San Andres Uno, sa bayan ng Bauan sa pananatili ng barkong una nang napaulat na may lulang 28 kataong positibo sa COVID-19 sa karagatang sakop ng kanilang bayan. Hiling ng mga residente, ilayo – kung hindi man alisin ang barkong M/V St. Anthony de Padua ng 2Go mula sa karagatang sakop ng kanilang bayan. Anila, hindi na mapanatag ang kanilang kalooban mula nang dalhin ito doon ng Philippine Coast Guard. Maging ang lokal na pamahalaan ng Bauan, hindi din pabor sa…

Read More

PINAIKLING TESTING AT QUARANTINE PROTOCOLS SA FULLY VACCINATED SINUSPINDE

SINUSPINDE ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pinaikling testing at quarantine protocol para sa mga fully vaccinated na nagkaroon ng close contacts sa mga kumpirmadong may kaso ng COVID-19. Ito ay bilang bahagi ng nagpapatuloy na implementasyon ng proactive measures para pabagalin ang pagsirit ng COVID-19 cases at patigilin ang pagkalat ng variants. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pansamantalang sinuspinde ng IATF nitong Martes ang protocol na pinapayagan na paikliin ang quarantine period para sa mga fully vaccinated individuals na nagkaroon ng close contacts sa “probable and confirmed COVID-19…

Read More